Quantcast
Channel: Pher Pasion – Pinoy Weekly
Viewing all 56 articles
Browse latest View live

Nora Aunor at Monique Wilson, Nakiisa sa Global Day of Action para sa mga Magsasakang Dinahas

$
0
0

Nagdaan ang isang linggong inhustisya sa mga magsasaka sa Kidapawan City matapos silang marahas na pagbabarilin sa kanilang barikada ng mga elemento ng Philippine National Police.

Sa loob ng isang linggo, naging tahimik si Noynoy Aquino sa nangyaring madugong dispersal sa mga magsasaka. Kaya naman naglunsad ng Nationwide and Global Day of Action ang iba’t ibang mga grupo nitong Abril 8, 2016 mula Plaza Miranda patungong Mendiola sa Maynila.

Pagdating ng mga militante sa paanan ng Mendiola sa Maynila para Global Day of Action para sa mga magsasakang pinaslang sa Kidapawan City. <strong>Pher Pasion</strong>

Pagdating ng mga militante sa paanan ng Mendiola sa Maynila para Global Day of Action para sa mga magsasakang pinaslang sa Kidapawan City. Pher Pasion

Kabilang sa lumahok sina Nora Aunor at Monique Wilson. Samantala, nagsagawa din sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo ang iba’t ibang grupo.

Dalawa ang kumpirmadong namatay sa pamamaril noong Abril 1, nasa 40 ang sugatan, at 74 ang kasalukuyang nakakulong pa rin.

Pulis ang Bumaril

Ibinahagi ni Jerome Aba ng Suara Bangsamoro na nakasaksi mismo sa pamamaril ng mga pulis sa kanilang hanay noong Abril 1. Naroon siya mula noong Marso 30, ang unang araw ng pagbabarikada ng may 6,000 magsasaka nananawagan ng tulong mula sa calamity fund ng gobyerno.

“Kitang-kita ko po sa dalawang mata ko na ang mga SWAT na nasa taas ng bumbero ay isa-isang iniisnayp ang mga magsasaka. Yung katabi ko po na magsasaka ay natamaan po sa ulo. Kitang-kita ko po na ang mga SWAT ang bumaril sa mga magsasaka,” ayon kay Aba sa kaniyang pagbabahagi ng nangyari sa Kidapawan.

Kahit na nasa loob na umano ng compound ng Spottswood Methodist Church ang mga magsasaka ay patuloy pa rin umanong pinagbabaril sila ng mga pulis. Kaniya ring nasaksihan ang pambubugbog ng mga pulis sa mga nagugutom na magsasaka.

Hindi pa umano sa pamamaril natapos ang pandarahas sa kanila. Dumating pa umano ang mga sundalo sa ilalim ng 39th Infantry Battalion para palibutan ang Spottswood kung saan umatras ang mga magsasakang nagugutom.

Nananawagan ng hustisya ang mga militante sa Mendiola <strong>Pher Pasion</strong>

Nananawagan ng hustisya ang mga militante sa Mendiola Pher Pasion

Simula pa umano noong unang araw, naroon na ang mga SWAT na may mga bitbit na M16 at M14 riffle na nakatutok sa mga magsasaka, ayon kay Aba. Kinausap pa umano niya si Col. Alexander Tagum upang sabihing bawal ang pagkakaroon ng baril sa mga barikada, ngunit sinabihan lang siyang huwag siyang tuturuan dahil alam raw niya ang kaniyang ginagawa.

Nauna namang sinabi ng mga pulis na warning shots lang umano ang pinaputok ng mga ito para itaboy ang mga nagbabarikada.

Ngunit ayon na mismo sa ulat ng Commission on Human Rights Region 12, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na may mga magsasakang binaril habang nakaluhod. Mayroon ding inarestong mga buntis at senior citizens.

 

Nasaan ang Pangulo?

Sa kabila ng kondemnasyon sa pangyayari na umabot maging sa ibang bansa, nakapagtatakang hindi agad tumugon o ni walang aksyon mula kay Aquino. Matapos ang isang linggo, ang tanging nasabi lang ni Aquino ay hindi niya nabalitaan ang naganap na pandarahas at pagpaslang sa mga magsasaka. Walang anumang pagkundena o pagpapanagot sa mga maysala matapos ang isang linggo at maging sa kasalukuyan.

“Ang gusto pong palabasin ng Palasyo ay problemang lokal lang ito. Na hindi ito kailangan pag-aksayahan ng panahon ng pangulo ng Pilipinas. Pinalalabas na problema lang ito ng gobernador. Problema lamang ni Mayor. Problema lamang ng trapik. Problema lang ng mga taong nakaharang sa kalsada. Yun lamang ang narinig natin sa pagdinig ng Senado kahapon,” ayon kay Renato Reyes, pangkalahatang-kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan.

Dagdag pa ni Reyes, mas marami pa umanong naibigay na tulong ang mga artista at mga nagmamalasakit na tao kaysa sa mga administrasyon nina Aquino, Gob. Emmylou Mendoza, at Mayor Joseph Evangelista ng Kidapawan. Kahit ang pagbibigay ng bigas sa mga magsasaka ay ikinainsulto pa mismo ni Gob. Mendoza.

 

Pakikiisa ng mga Artista

Muli namang idiniin ni Nora Aunor ang kaniyang panawagang bumaba na dapat si Aquino sa puwesto: “Dapat po ay bumaba na sila. Wala naman po silang nagagawa para sa mga mamamayan. Lalo na sa mahihirap na tao. Kagaya po ngayon. Ano po ba ang ginawa nila? Nagmasaker po sila ng mga walang kamalay-malay na tao na gusto magtrabaho at gusto lang humiling ng kahilingan, yun pong bigas, na dapat na mapasakanila.”

Bigas di bala_protest

Superstar para sa Hustisya | Kuha ni Raymond Panaligan / AlterMidya

Para naman kay Monique Wilson, kailangan ring tignan ang mga palisiya ng pamahalaan kung bakit nagugutom ang mga magsasaka at patuloy na dinadahas sila sa iba’t ibang porma at paraan.

“Hindi tayo mabobola ng ating gobyerno. Ito ang ginagawa sa atin. Akala nila tanga tayo, eh. Hindi tayo tanga! Marami tayong nakikita na mga kasinungalingan nila at pati ang pag-manipulate nila ng mga istorya,” diin ni Wilson.

Patuloy na Suporta at Panawagan

Sa kabila ng patuloy na pananahimik ni Aquino, patuloy na pagbibigay-katuwiran ng mga pulis sa naging marahas na dispersal, at patuloy na pagkakakulong ng mga magsasaka sa paggiit ng kanilang karapatan sa bigas, nagpapatuloy rin ang suporta ng mga mamamayan.

Sa unang mga araw pa lamang ng pamamaslang sa magsasaka, mabilis nalumawak o naging viral ang #BigasHindiBala sa social media sa internet.

Ms. Monique Wilson habang nagbibigay ng kaniyang mensahe ng pakikiisa sa mga biktima ng pamamaslang sa Kidapawan City <strong>Pher Pasion</strong>

Ms. Monique Wilson habang nagbibigay ng kaniyang mensahe ng pakikiisa sa mga biktima ng pamamaslang sa Kidapawan City Pher Pasion

Samantala, bukod kina Aunor at Wilson, maging ang mga artista gaya nila Robin Padilla, Maine Mendoza, Anne Curtis, Jasmine Curtis, at iba pa ay nauna nang nagbigay ng bigas para sa mga magsasaka. Patuloy ring nagbabayanihan ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibayong dagat para makatulong sa mga magsasaka.

Sa kabila ng maraming dahilan at paninira na ginagawa ng estado para palabnawin ang lehitimong laban ng mga magsasaka, alam ng mga mamamayan kung sino ang tunay na biktima at sino ang tunay na may sala.

 

 


Hamon sa kandidato: National Minimum Wage

$
0
0
<strong>Kontribusyon/MayDay Multimedia</strong>

Kontribusyon/MayDay Multimedia

Nag-iingay ngayon ang mga kandidato na susolusyunan ang mga problema sa bansa gaya ng kahirapan, mataas na buwis, kriminalidad, at mataas na presyo ng mga bilihin. Pero tikom ang lahat ng kanilang bibig sa panawagang itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Kaya naman hinahamon ngayon ng All Workers Unity (AWU) sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na tumindig ang mga kandidato para sa National Minimum Wage (NMW). Ang hiling ay P750 kada araw sa pribadong sektor at P16,000 kada buwan para sa mga kawani ng gobyerno.

“Walang tunay na minimum wage sa bansa at ang mga sahod ay patuloy na ibinababa bilang resulta. Kinakailangan sa kagyat ang isang National Minimum Wage at isang signipikanteng pagtaas sa sahod na nasa P750,” ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Ayon sa KMU, sadyang mahalaga ito bilang isang sukatan kung tunay na magiging makamanggagawa ba ang uupong Pangulo o magiging tagapagtanggol lang muli ng mga negosyante at dayuhan para magkamal ng labis na tubo.

Pagtaas sa sahod, posible

Nauna nang tinanggihan ng gobyerno ni Aquino ang panawagang ito ng mga manggagawa. Hindi daw ito magiging kaaya-aya sa investors at mas hindi magkakaroon ng trabaho ang maraming Pilipino. Hindi raw makatarungan ang hinihiling na ito ng mga manggagawa.

<strong>Kontribusyon/MayDay Multimedia</strong>

Sadyang ganito ang gobyerno, ayon sa KMU. Mas uunahin na masiguro ang kita ng mga kapitalista at negosyante kesa sa kapakanan ng sarili nitong mga manggagawa. Kaya naman nananatiling hindi nakabubuhay ang sahod ng mga manggagawa sa bansa. Patuloy pa ang iba’t ibang atake sa paggawa gaya ng kontraktuwalisasyon, pagbabawas sa mga benepisyo, at pag-atake sa mga unyon.

Dahil sa Wage Rationalization Act noong 1989 ginawa nang regional ang araw ang minimum wage. Binasag nito ang minimum wage sa palusot na magkakaiba ang pamumuhay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kayat pinag iba iba ang antas ng sahod.

Pinigilan nitong mabuo ang pambansang pagkakaisa ng mga manggagawa at, sa halip, ipinihit ang kanilang laban sa sahod sa antas lokal.

Sa kasalukuyan, nasa P418 ang minimum wage sa National Capital Region. Higit na mababa sa iba pang rehiyon gaya ng Ilocos na nasa P253 kada araw. Samantala nasa P9,000 pa lang kada buwan ang minimum ng karaniwang kawani ng gobyerno.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation (isang grupo ng mananaliksik), ang pangangailangan, o Family Living Wage sa average, ng isang anim na miyembrong pamilyang Pilipino ay P1,088 kada araw para mabuhay ng disente. Hindi pa kasama dito ang gastusin kapag nagkasakit o naaksidente.

<strong>Kontribusyon/MayDay Multimedia</strong>

Nasa 70 porsiyento lamang ng P1,088 FLW ang hinihiling na P750 kada araw bilang minimum na sahod. Nasa kapasidad na maibigay ito ng mga kapitalista na aabot lamang sa 17.1 porsiyento (sa average) na kaltas sa kanilang kinikita (profit), ayon sa Ibon.

Ang kabuuang halaga ng panukalang dagdag-sahod ay nasa P268 bilyon lamang. Kung iaawas ito sa kanilang kabuuang kita, maiiwan pa rin sa mga kapitalista ang malaking kita na aabot sa P1.30 Trilyong piso.

Dagdag pa ng Ibon nahindi mangangahulugan ng pagtaas sa bilihin ang pagtaas ng sahod. Hindi umano ang pagtaas ng sahod ang dahilan ng pagtaas ng inflation o pagtaas ng bilihin, dahil tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kahit na walang pagtaas sa sahod.

Diin ng Ibon, ang kahalagahan ng mataas na sahod sa ekonomiya ay isa sa mga epektibong paraan para mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at magkaroon ng tunay na inclusive growth. Hindi lamang magbibigay ng agarang kaluwagan sa mga manggagawa at kanilang pamilya ang dagdag sa sahod, patataasin din nito ang domestic demand sa ekonomiya.

Dapat tindigan ng mga kandidato

Sa temang “Boto ng Obrero, Hamon sa Kandidato,” inihahapag ng AWU ang kanilang mga kahilingan gaya ng umento sa sahod, pagbawal sa kontraktuwalisasyon, kaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuan, tunay na repormang agraryo, at pambansang industrilisasyon.

“Nananawagan kami sa lahat ng manggagawa na magkaisa at ipaglaban ang ating mga kahilingan sa isyu ng sahod, at hinihingi namin ang suporta ng malawak na publiko. Nananawagan din kami sa mga kandidato lalo na sa mga tumatakbong presidente na ipahayag ang kanilang posisyon sa aming mga panawagan,” ayon kay Labog.

Kasaysayan na rin ang nagpapatunay na hindi nagkakaroon ng signipikanteng pagtaas sa sahod nang hindi ito ipinaglalaban ng uring tunay na lumilikha ng yaman sa panahon man ng eleksiyon o hindi.

Lider katutubo sa Kordilyera, hinaharas

$
0
0

CPA

Ikinababahala ngayon ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) ang kaligtasan ng kanilang lider na si Xavier Akien, Vice Chairperson for Internal Affairs, na sinusundan ngayon ng mga hinihinalang elemento ng militar.

Naunang naitala ang pagsunod noong Abril 6, matapos umanong mag-grocery si Akien kasama ang kaniyang asawa. Sa daan pauwi sila sinundan ng dalawang van at dalawang motorsiklo. Dahil dito, nagpasyang dumiretso ang dalawa sa La Trinidad Municipal Police para ireport ang pangyayari.

Nilapitan umano ng mga pulis ang nasa motorsiklo at sinabing naghahanap lang umano sila ng trabaho kaya nila sinusundan si Akien. Wala umanong pagkakakilanlan ang mga nakausap ng pulis, ayon kay Akien.

Nitong ika-13 ng Abril muling sinundan si Akien ng isang van at kinunan pa siya ng larawan ng mga nakasakay habang siya ay bumibili ng tinapay sa Abatan, Buguias, Benguet.

Naniniwala si Akien na operasyon umano ng militar ang nangyayari sa kaniya.

“I am very concerned over my security. Harassments and other forms of human rights violations against members and leaders of peoples’ organizations must be stopped. We are no criminals, we are just activists. Is it a crime to organize and mobilize people and communities for them to participate in solving their own problems and improving their situation?” ayon kay Akien.

Dagdag pa niya, pinag-iinitan ang CPA dahil sa mga kampanya nito at aktibidad para sa pagprotekta sa kalikasan lalo na laban sa pagmimina at enehiya, para sa karapatan ng katutubo, sa disaster response, at para sa sustainable development.

Hindi na umano bago sa CPA ang ganitong paglabag sa karapatang pantao. Sa ibang mga kaso, ang ganitong surveillance at harassment ay nauuwi sa pamamaslang gaya sa kaso ni Markus Bangit noong 2006, William  Bugatti noong 2014, at iba pang martir sa Kordilyera.

And this is not the first time that I myself experienced being subjected to surveillance and harassment over the past years. Only the State military agents can do this to us, purposely to suppress the growing people’s resistance against the entry of big and destructive projects in our communities,” ayon kay Akien.

Kinokondena ng CPA ang panghaharas na it kay Akien at nanawagan ng agarang imbestigasyon sa insidente. Naniniwala ang sila na hindi hiwalay na insidente ang nangyayari ngayon kay Akien kundi bahagi ng Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino.

Health Workers Day sa Mayo 6, paniningil kay Aquino

$
0
0
Alliance of Health Workers, sa kanilang paglalatag sa naging kalagayan ng sektor kalusugan sa ilalim ng rehimeng Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>

Alliance of Health Workers, sa kanilang paglalatag sa naging kalagayan ng sektor kalusugan sa ilalim ng rehimeng Aquino. Pher Pasion

Nagdaan ang halos anim na taon na “Daang Matuwid” ng administrasyong Aquino, pero nananatiling nasa pito sa sampung Pilipino ang namamatay na hindi man lang nakakakita ng doktor o propesyunal na serbisyong pangkalusugan.

Ito ang mensaheng matagal nang inihahayag ng mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) na hindi pinakinggan ng gobyernong Aquino.

Pinatitindi pa ng kanilang kalagayan ang sunud-sunod na atake sa kanilang mga karapatan sa sahod, seguridad sa trabaho, at pribatisasyon gaya ng kinakaharap ngayon ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Atake sa Fabella

Nakatakdang gibain ngayon ang Fabella Hospital dahil hindi na umano ito ligtas na gamitin, ayon sa Department of Health (DOH).

Pero ayon sa AHW, ang pagtatayo ng isang commercial area sakop ang kinatitirikan ngayon ng Fabella ang tunay na dahilan kung bakit nais gibain ang nasabing ospital.

Sa isang liham na natanggap ng Fabella mula Home Guarantee Commission (HGC), ang ahensiya ng gobyerno na nagmamay-ari sa lupain ng Fabella, kailangan umano nilang agad na lisanin ang gusali sa Hunyo 9.

Ililipat sa bakuran ng DOH ang Fabella pero mas maliit ang kapasidad  na 400 bed capacity lamang (nasa 700 bed capacity ang kasalukuyang Fabella). Ang mga empleyado naman, ikakalat umano sa iba’t ibang ospital gaya ng Lung Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Tala Hospital, at iba pa. Ang mga kontraktuwal naman, nahaharap na sa Endo (End of Contract).

Pero ayon sa AHW, hindi lang ang lumang gusali ang tunay na problema ng Fabella kundi ang prayoridad ng gobyerno na paboran ang mga pribadong interes  higit sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

Makikita umano ito sa pagpasok ng pribadong interes sa mga ospital sa tulak ng public-private partnership ng adminstrasyong Aquino. Ito ang nagtulak, partikular sa Philippine Orthopedic Center (POC) na maipasok sa build-operate-transfer na isang porma ng pribatisasyon para mapasok ng pribadong interes at pagkakitaan gaya ng Megawide. Matagumpay itong napigilan ng mga empleyado, pasyente, at tagasuporta ng POC.

Sa kasalukuyan, ang Fabella ay may 700 bed capacity lamang pero higit dito ang tinatanggap ng ospital na umaabot sa 120 porsiyento o dalawa hanggang apat na pasyente ang nagsisiksikan sa isang higaan. Ito rin ang inaasahan ng mga pinakamahihirap na pasyente.

“Minsan nga po, hindi namin sila mapilit dahil walang-wala po talaga ang mga pasyente. Ang ginagawa po namin, inililibre na po namin sila. Katunayan nga po, kami pa nga po ang nagbibigay minsan ng pamasahe sa kanila,” ayon kay Margarita Esquivel, doktor at presidente ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital-Employees Union.

Margarita Esquivel, doktor at presidente ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital-Employees Union habang inilalatag ang kalagayan ng Fabella. <strong>Pher Pasion</strong>

Margarita Esquivel, doktor at presidente ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital-Employees Union habang inilalatag ang kalagayan ng Fabella. Pher Pasion

Tanong ng AHW, saan pupunta ang mahigit 2,000 inpatient at outpatient na umaasa sa serbisyo ng Fabella araw-araw kung bubuwagin ang nasabing ospital?

“Nakikita ninyo pati ang mga pasyente sa amin ay mga nag-iiyakan na. Ayaw nilang sumama sa pag-alis namin dahil ang gusto nila ay manatili sila sa amin sa Fabella hospital,” ayon kay Esquivel.

Taliwas ito sa nais ng DOH na pababain ang maternal mortality rate sa bansa base sa Millennium Development Goals o ang mga tunguhin ng mga bansa sa ilalim ng United Nations.

“Nagsasabi ang gobyerno natin ng facility based birth, hindi dapat tanggalin ang Fabella. Dapat magdagdag ng Fabella. Kung ganyan ang thinking, hindi mo makita ang ganyang logic. Bubuwagin mo, ilalagay mo sa isang compound na sentro o kinikilala na nagpursige ng corporatization, Lung Center at NKTI. Nakita nyo naman ang NKTI, ang mahal-mahal na,” ayon kay Julie Caguiat, doktor at executive director ng Community Medicine.

Imbes na ilipat, dapat umanong paunlarin at imordenisa ang Fabella kung tunay na serbisyong pangkalusugan ang nais ibigay ng gobyerno sa mamamayan nito. Dapat umanong manggaling ito sa pondo ng gobyerno at hindi iasa o iutang sa pribadong sektor na nais pagkakitaan ang serbisyong pangkalusugan, ayon sa AHW.

“Kung pwede, bilhin na lang nila ang lupa sa Home Guarantee Corporation para hindi matanggal ang Fabella sa kaniyang kinatatayuan. Kung hindi naman pwede, pwede naman nating isingit ang retrofitting.

Kung ano lang ang sira na structural ng building yun lang ang aayusin nila,” ayon kay Esquivel.

Itinatag ang ospital noong Nobyembre 9, 1920 sa Sampaloc, Manila. Noong 1951, nailipat ito sa kasalukuyan nitong tinatayuan sa Sta. Cruz, Maynila.

Julie Caguiat, doktor at executive director ng Community Medicine habang tinatalakay ang kalagayan ng sektor pangkalusugan sa ilalim ni Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>

Julie Caguiat, doktor at executive director ng Community Medicine habang tinatalakay ang kalagayan ng sektor pangkalusugan sa ilalim ni Aquino. Pher Pasion

Sektor kalusugan sa ilalim ni Aquino

Maliban sa pagpasok ng mga pribadong interes sa mga publikong ospital, kinakaharap din ng mga kawani sa kalusugan ang iba’t ibang atake sa kanilang mga karapatan.

Kaisa ang AHW sa panawagang magkaroon ng P16,000 national minimum wage kada buwan sa publikong sektor at P750 kada araw naman sa pribadong sektor. Kasabay nito ang kanilang panawagan na P25,000 upon entry para sa mga nurse at P50,000 naman para sa mga doktor kada buwan.

Base ito sa datos ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, na kakailangan ng isang pamilya na may anim na miyembro ng nasa P32,000 kada buwan para mabuhay ng disente.

Laban din sila sa sistema ng kontraktuwalisasyon na laganap ngayon sa sektor ng kalusugan. Ayon sa Filipino Nurses United (FNU), malaki ang pangangailangan para sa primary health care workers sa mga komunidad. Panawagan nilang lumikha ng trabaho sa grass roots para makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan.

“Dapat ding pigilan ang kontraktuwalisasyon. Iyon ang kinakaharap na problema ng nurses . Bagamat malaki ang pangangailangan sa kanila, pero ang kinukuha ng pamahalaan at maging ng pribado sektor ay kontraktuwal,” ayon kay Eleanor Nolasco, registered nurse at presidnete ng FNU.

Nagsisimula naman ang sahod ng mga doktor sa salary grade 18 to 21. May mga municipal doctor naman na aabot sa salary grade 24. Pero depende umano ito sa local government unit kung kaya ng pinansiyal na kapasidad nito. Kung hindi kaya, aabot din ito sa salary grade 18 to 21.

Tutol din ang AHW sa salary standardization law 4 ni Aquino dahil mapanghati umano ito at maghahatak pababa ng kanilang sahod dahil mas malaki ang mababawas sa kanilang mga benepisyo kesa sa itataas ng kanilang sahod para sa mga ordinaryong kawani. Ang mga opisyal naman sa isang banda ay makakatanggap ng libu-libong piso.

“Itong patumpik-tumpik na pagtaas ng suweldo nila ay hindi rin naman makatotohanan, dahil marami din nagrereklamo na doktor. Kahit taasan ng suweldo ay malaki ang nababawas sa tax, at ang mga benepisyo ay hindi naibibigay ng lubusan,” ayon kay Caguiat.

Kung ganito umano ang kalagayan ng mga doktor, paano pa kaya ang mga nurse at karaniwang kawani sa sektor pangkalusugan?

Paglaban sa pagbuwag sa Fabella ospital at iba pang karapatan ng mga kawani sa kalusugan. <strong>Pher Pasion</strong>

Paglaban sa pagbuwag sa Fabella ospital at iba pang karapatan ng mga kawani sa kalusugan. Pher Pasion

Araw para maningil

Lantad at ramdam ng mga kawani sa kalusugan kung ano ang kanilang naging kalagayan sa ilalim ni Aquino. Malinaw na hindi ito matuwid bagkus ay mapaminsala sa kanilang interes.

Kaya naman sa darating na Mayo 6, Araw ng mga Kawani sa Kalusugan, ipakikita ng mga kawani ang kanilang paniningil sa rehimeng Aquino. Dahil matatapos na ang “Daang Matuwid” ni Aquino pero nagpapatuloy ang masalimuot na landas na iiwan nito para sa mga kawaning pangkalusugan.

Dahil hindi lamang mga sakit na dulot ng mga mikrobyo ang kayang gamutin ng sektor pangkalusugan, nakahanda rin silang gamutin ang mga sakit ng lipunan.

 

 

Automatikong halalan: Bagong sistema, lumang problema

$
0
0
Dr. Giovanni Tapang, convenor ng Kontra Daya, habang ipinaliliwanag ang mga problema sa automated election system. <strong>Pher Pasion</strong>

Dr. Giovanni Tapang, convenor ng Kontra Daya, habang ipinaliliwanag ang mga problema sa automated election system. Pher Pasion

Hindi dahil gagawing mabilis ng automated election system (AES) ang bilangan sa halalan ay magiging malinis na ito.

Kahit na mukhang makabago ang AES, hindi nito nababago ang luma nang mga problema tuwing eleksiyon na malalim nang nakaugat sa pagkalasing sa kapangyarihan ng iilan at sa matinding kahirapang nararanasan ng sambayanan.

Pinalala pa ito ng realidad na isang pribadong dayuhang kumpanya sa katauhan ng Smartmatic ang nagpapatakbo sa halalan ng mga Pilipino.

“Magkakaroon ng dayaan. At kailangan nating maghanda para dito,” ayon kay Prof. Danny Arao, convenor ng Kontra Daya.

Bulnerable ang Sistema

Malaki umano ang pagkukulang ng Commission on Elections (Comelec) para siguraduhing malinis at matapat ang eleksiyong 2016, ayon sa grupong Kontra Daya.

Bigong makakuha ng sertipikasyon ang Comelec para sa AES mula sa independent Technical Evaluation Committee para sa 2016 elections. Hindi rin umano ito nakakuha ng satisfactory source code review. Maaaring maging senaryo ng eleksiyon sa Pilipinas ang nangyari sa overseas absentee voting na 13 sa 130 vote counting machines (VCMs) ang nag-malfunction, ayon sa Kontra Daya.

Hindi rin authenticated ang election returns na ipapadala para sa canvassing. Ayon sa election automated law, dapat umanong digitally signed ang election returns bago ipadala para malaman kung tama ba ito at kung hindi ba  pinalitan ang laman nito. Pero hindi ito tiniyak ng Comelec.

“Yung digital signature ang magbibigay sa iyo ng paraan para malaman kung binago nila o hindi. Kapag binago nila ang numero, walang paraan para sa atin na kuwestiyunin kahit makita mo na magkaiba (ang resulta) dahil pwede lang nilang sabihing ‘heto yung dumating sa amin,” ayon sa isa pang convenor ng Kontra Daya na si Dr. Giovanni Tapang.

Maging ang proseso ng pagdadala ng resulta na pinayagan ng Comelec ay pinuna ng Kontra Daya. Dadalhin umano ang SD cards na naglalaman ng resulta ng halalan mula sa presinto tungo sa munisipyo. Sa pagbyaheng ito maaaring mangyari ang pagpapalit, pagkuha, o pagnakaw sa mga SD card.

“Parang makabagong paraan ito ng ballot box snatching. Pwede itong nakawin, palitan at hindi na makarating sa canvassing. Kung ang kalaban ng isang kandidato ay malakas sa isang area, maaaring hindi makarating sa canvassing ang SD card at hindi na maisama sa bilangan,” ayon kay Tapang.

Magagawa ito ng kandidatong may kapangyarihan at rekurso para masiguro ang panalo, mapa-lokal man o pambansang posisyon.

Dagdag pa niya, maging ang pag-hack sa Comelec website na nagbigay daan para maisapubliko ang mga personal na pagkakilanlan ng may 55 milyong botante ay isang malinaw na manipestasyon kung gaano kabulnerable sa dayaan at manipulasyon ang eleksiyon sa kamay ng Comelec at Smartmatic.

Paghahanda ng Kontra Daya para sa darating na Halalan 2016.<strong>Pher Pasion</strong>

Paghahanda ng Kontra Daya para sa darating na Halalan 2016.Pher Pasion

“Kung hindi magawang protektahan ng Comelec ang ating personal na pagkakakilanlan (gaya ng pangalan, tirahan, finger prints, at iba pa), paano nito mapoprotektahan ang eleksiyong 2016?” diin ni Tapang.

Pagtataka ng Kontra Daya, bakit ibinigay pa rin ng Comelec sa Smartmatic ang kontrata para sa eleksiyong 2016 sa kabila ng miserable nitong rekord sa halip na tiyaking mayroong malinis at matapat na halalan?

“Pagkatapos ng eleksiyon, magrereport. Naka-offline ang website ng Comelec. Kapag in-online nila, may resulta na. Sino ngayon ang pwedeng magkuwestiyon noon sa inilabas nilang report,” dagdag ni Tapang.

Isang ‘auto-magic na eleksiyon umano ang ginagawa ng Comelec. Hindi nakikita ng taong bayan kung tama bang nabibilang ang boto nila, ayon sa Kontra Daya.

Para masabi ring umano’y kredible ang Comelec, dapat mayroong end to end testing – o mula umpisa sa pagboto sa presinto hanggang sa mag-transmit ng data. Pero hindi nasubaybayan ng publiko ang buong proseso na ginawa ng Comelec para makita ang problema sa proseso ng eleksiyon.

Bagong sistema, lumang problema

Bago man ang sistema pero nananatili ang lumang problema sa eleksiyon sa Pilipinas.

Ito ang diin ng Kontra Daya kung kaya sinasabi nilang magkakaroon ng dayaan sa darating na eleksiyon sa lokal man at pambansa.

Hindi nabubuwag ng AES ang paggamit ng guns, goons, and gold ng political dynasties na naghahari sa kani-kanilang balwarte sa Pilipinas. Nananatili ang lumang porma ng vote buying na dahil rin sa pagpapanatili ng estado sa matinding kahirapan sa hanay ng mamamayan.

Maging ang paggamit ng mga rekurso ng gobyerno sa pangangampanya sa kanilang bentahe ay nangyayari. Halimbawa, ang paglalagay ng campaign slogan na “Daang Matuwid” sa pangalan nila Mar Roxas at Leni Robredo ay maituturing na porma ng pangangampanya na matatagpuan mismo sa balota gamit ang rekurso ng Comelec, ayon sa Kontra Daya.

Ayon naman sa Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage), ang mga kawani sa gobyerno ay hindi pinahihintulutang mangampanya ayon sa Saligang Batas. Pero mismong si Noynoy Aquino, ang Pangulo ng Pilipinas, kasama ang pulis at militar ay direktang nangangampanya para itulak ang mga kandidato nito gamit ang rekurso ng gobyerno at impluwensiya.

Ferdie Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (kanan) at Benjie Valbuena tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers (kanan) habang ipinaliliwanag ang kanilang ambag na gagawin sa pagbabantay sa eleksiyon. <strong>Pher Pasion</strong>

Ferdie Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (kanan) at Benjie Valbuena tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers (kanan) habang ipinaliliwanag ang kanilang ambag na gagawin sa pagbabantay sa eleksiyon. Pher Pasion

“Lumalabas, ang probisyon sa Saligang Batas natin ay inutil pala. Kasi ito’y naipagbabawal lang pala doon sa maliliit na kawani at manggagawa pero pinahihintulutan ang matataas na opisyal sa gobyerno na gamitin ang government resources para mapaboran ang kanilang mga kandidato,” ayon kay Ferdie Gaite, tagapangulo ng Courage.

Nasa kamay ng taumbayan

Hindi man matiyak na magiging malinis ang eleksiyonl, at nakikita mang tiyak na magkakaroon ng pandaraya, hindi dapat ito palampasin ng taong bayan. Dapat mailantad ang naging kakulangan ng Comelec at Smartmatic at managot dito, ayon sa Kontra Daya.

Sa pamamagitan lamang ng organisadong aksiyon ng mamamayan matitiyak na ang mga nasa kapangyarihan ay mananagot maging masaklaw man o hindi ang dayaan tulad ng dati o higit pa. Kailangang maging mapagbantay at handa ang taong bayan kung hindi naging handa ang nasa kapangyarihan.


 

Pagpalya ng VCMs, nanguna sa problema ng AES – Kontra Daya

$
0
0

photo 1

Pagpalya ng mga vote counting machine (VCM) ang nangunguna sa problema sa eleksiyon sa buong bansa base sa pagmonitor ng grupong Kontra Daya ngayong umaga.

Sa tala ng Kontra Daya, nasa 59 ang pumalyang VCMs, 11 delayed voting, 10 non-printing precinct, 8 rejected ballot, 8 inconsistent vote receipt, 7 kaso ng harassment at militarisasyon, at 5 vote buying.

Kabilang sa mga naiulat na problema ang hindi paggana ng mismong makina, pag-reject sa mga balota, paper jams o pagkaipit ng balota, overheating, at machine breakdown.

Naitala sa mga presinto sa Quezon City, Manila, Navotas, Makati, Marikina, Muntinlupa, at Caloocan.

Naiulat halimabawa ang cluster precinct (CP) 1549 sa Beata Elementary School, Manila na nag-shut-down dahil sa pag-malfunction ng VCM. Sa Araullo High School naman, may mga ulat din gaya ng failed diagnostic tests, jammed ballots, at thermal receipts. Wala umanong diagnostic process ang naganap sa CP 1149.

Sa labas naman ng Metro Manila, pumasok din ang ulat na pagkasira ng VCMs sa Batangas, Tacloban, Occidental Mindoro, Naga, Cavite, Davao Oriental, at La Union.

Nagdulot naman ng disenfranchisement sa mga rehistradong botante ang pagkasira ng mga VCM at delay sa pagpapalit ng mga ito. Sa ibang lugar, naitalang nahinto ang pagboto sa loob ng dalawa hanggang limang oras.

Sa inisyal na report nitong umaga, mismong ang VCM sa presinto ni vice-presidential candidate Leni Robredo ang nagkaaberya at inabot ng halos dalawang oras bago mapalitan.

May mga cluster precinct naman sa Paranaque, Makati, at Bulacan ang nakaranas din ng pagkaantala sa pagboto dahil sa hindi tinatanggap ng makina ang mga balota.

“Yung direct effect nito yung disenfranchisement (ng mga botante). Yung mga hindi nakaboto, habang hindi umaandar ang vote counting machine, might not be able to vote this afternoon. Binubuksan din nito ang vulnerability paggamit ng untested machines dahil nagmamadali na ang mga BEI, ng watchers, at iba pa,” ayon kay Dr. Giovanni Tapang, convenor ng Kontra Daya.

photo 2

Labas pa umano ito sa epekto kung magiging maayos ba ang pagbabasa ng makina at kung magiging maayos ang transmission pagkatapos ng eleksiyon.

Nakatanggap din ng ulat ang Kontra Daya ng mga insidente ng black propaganda laban sa mga progresibong party-list, vote buying, panghaharas, at karahasan. Isa na umano ang napaulat na napatay sa Abra nitong umaga.

Sa Barangay Bagua, Cotabato City, nakatanggap ang Kontra Dayan g ulat ng pamimili ng boto na nagkakahalaga ng P500. Sa Bislig, Surigao Del Sur naman, nasa P3,000 ang bilihan ng boto na nagmula di umano sa mga konektado sa Liberal Party. Nakapagtala rin ang ulat ng pamumudmud ng pera sa mga botante sa Camalaniugan, Cagayan.

Sa iba pang ulat na natanggap ng grupo ang may kinalaman sa karahasan at militarisasyon. Ang presensya umano ng militar at armadong sundalo sa loob ng mga presinto sa mga barangay sa Assign Via, Taytay, at Bunugan sa Baggao, Cagayan, at Labac Elementary School sa Naic, Cavite ay lumilikha ng takot sa mga botante na nagiging dahilan ng hindi nila pagboto.

Ikatlong kinatawan ng party-list na Gabriela, iginigiit sa Comelec

$
0
0
Protesta ng Gabriela Women's Party sa harapan ng Commission on Election para dagdagan ang kanilang representante sa Kongreso. <strong>Kontribusyon/GWP photo</strong>

Protesta ng Gabriela Women’s Party sa harapan ng Commission on Election para dagdagan ang kanilang representante sa Kongreso. Kontribusyon/GWP photo

Inilalalaban ngayon ng Gabriela Women’s Party (GWP) na makaupo ang kanilang ikatlong nominado sa Kamara matapos bigyan lamang sila ng dalawang upuan ng Commission on Elections (Comelec).

Mula sa resulta ng proklamasyon ng National Board of Canvass sa PICC, nasa 59 party-list seats lamang ang pupunan sa Kamara. Dalawa lamang dito ang maibibigay sa GWP.

Nakakuha ang GWP ng kabuuang 1,367,795 boto. Pangalawa sila sa may pinakamaraming nakuhang boto para sa party-list.

Ayon sa kay Alnie Foja, abogado ng Gabriela, dapat tatlo umano ang makuhang upuan ng GWP base sa naging pasya ng Korte Suprema sa kaso ng Barangay Association for National Advancement and Transparency. Sa rason na ang mandatong 20 porsiyento ng upuan para sa party-list base sa 238 congressional districts sa ilalim ng ika-17 Kongreso ay 60 at hindi 59 lang.

Umaapela ngayon ang GWP sa Comelec na ibigay nito ng makatarungan ang isang upuan para sa representasyon ng mga kababaihan sa Kongreso.

Komputasyon ng GWP kung bakit dapat magkaroon sila ng tatlong representante sa Kongreso. <strong>Kontribusyon/GWP</strong>

Komputasyon ng GWP kung bakit dapat magkaroon sila ng tatlong representante sa Kongreso. Mula sa GWP

“Ang mahigit isang milyon botong nakuha ng Gabriela ay simbolo ng pagkakaisa ng kababaihan sa buong kapuluan. Ang hindi pagluklok sa pangatlong representante nito ay paglapastangan sa karapatan at boses ng mga kababaihan, sa marginalisadong sektor at mga pambansang minorya”, ani Bai Ali Indayla, ikatlong nominado ng GWP.

Naghain ang GWP ng motion for reconsideration, motion for correction of manifest error and for proclamation of additional seat for Gabriela Women’s Party para sa kanilang laban makuha ang anila’y nararapat.

“Ang pagkait sa pangatlong kinatawan para sa kababaihan ay pagbalewala sa mabigat na mandato na ipinagkatiwala sa Gabriela ng 1,367,795 na botante. Ang paggiit ng Gabriela Women’s Party sa ikatlong representasyon ay pagsusulong ng tunay na representasyon ng marginalized sectors at pagbibigay ng pagkakataon sa boses ng Bangsamoro sa katauhan ng isang lider-kababaihang moro na si Bai Ali Indayla,” pagtatapos ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus.


 

Krimen ng rehimen

$
0
0

Magwawakas na nga ang rehimeng Aquino at laganap ang pagtinging hindi nakinabang ang karamihan sa “daang matuwid” nito. Ipinahayag ang disgusto ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagboto kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang susunod na pangulo at hindi kay Mar Roxas na tagpagpatuloy sa “daang matuwid.”

Sa pagtatapos nang panunungkulan ng rehimeng Aquino, kakaharapin niya ang mga kasong inaasahang
isasampa laban sa kaniya. Mawawala na kasi ang immunity ni Benigno Aquino III bilang presidente sa mga kasong kriminal na dapat isampa sa kanya sa mga naging krimen nito bilang pangulo.

Sari-saring krimen

Marami ang nabuong bansag  kay Aquino sa kanyang pagkapangulo. Karamihan, kundi man lahat, ay negatibo.

Nariyan na tinawag siyang “Pork Barrel King” matapos maisiwalat ang trilyong pisong presidential pork barrel sa anyo ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Posible na galing dito ang ipinanuhol sa mga senador para patalsikin sa puwesto ang dating chief justice na si Renato Corona. Ilegal ang DAP ayon mismo sa Korte Suprema. Haharapin niya ang kaso kaugnay rito pagbaba niya sa puwesto.

Haharapin din ni Aquino ang kinahinatnan ng palpak na operasyon ng Special Action Force ng Philippine National Police na pumatay sa 44 miyembro nito at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao para dakpin o patayin ang teroristang si Marwan.
Pinayagan diumano ni Aquino ang suspendidong hepe ng PNP na si Alan Purisima na makialam sa nasabing operasyon. Isang malaking katanungan din kung bakit kasama sa operasyong ito ang mga sundalong Amerikano.

“Disaster King” naman ang ibinansag sa kanya sa kapabayaan niya sa mga biktima ng Bagyong Yolanda na kumitil sa buhay ng libu-libong  Pilipino. Mula sa sinasabing handa umano ang gobyerno sa bagyo, walang kahandaang naranasan o nakita ang mga biktima ng bagyo.

PW-noynoy-01Maging ang mga biktima ng iba’t ibang sakuna mula sa mga bagyo gaya nina Yolanda at Pablo, hindi rin naging handa ang gobyerno para tulungan ang mga biktima ng El Nino gaya ng madugong dispersal sa Kidapawan City.

Malaki rin ang pananagutan ni Aquino, ang kinorahang “Impunity King” sa pagpapatupad ng anti-insurhensiyang Oplan Bayanihan na bumiktima ng libu-libong sibilyan. Isa sa pinakatampok ang pamamaslang sa mga lider Lumad sa Lianga, Surigao del Sur at nagpalikas sa libu-libong katutubong Lumad sa lugar.

Nariyan din ang sari-saring pagkadismaya ng mga mamamayan sa mga isyu ng “tanim-bala”, paghahalukay sa balikbayan boxes, pagpapatupad ng K to 12, pribatisasyon ng mga pagmamay-ari ng gobyerno sa Public-Private Partnerships nito, Zamboang Siege, pagpapabaya sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang sakuna sa Kentex, pagpasa sa Cybercrime Law, pag-veto sa SSS pension hike, at marami pang iba.

Hamon ng hustisya

Nakulong si Joseph Estrada matapos mapatalsik noong EDSA Dos taong 2001. Na-hospital arrest naman si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2010, pero bigong mapanagot ng rehimeng Aquino sa mga kaso nito sa sambayanan.

Sa pagpasok ng rehimeng Duterte bilang bagong pangulo, malaking hamon na panagutin nito si Aquino sa mga kasalanan nito sa sambayanan. Dahil hindi lang ito basta pagpapakulong sa nagkasala; ito’y pagpapatunay na mayroong hustisya sa susunod na rehimen.


 


Problemang dagdag ng K to 12 ngayong pasukan

$
0
0
Isang klase sa Batasan National High School sa pagbubukas ng klase ngayong taon. <strong>Pher Pasion</strong>

Isang klase sa Batasan National High School sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Pher Pasion

Nauna nang ibinabala ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang kanilang posisyon sa mga problemang dadalhin ng K to 12 ng administrasyong Aquino sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Kabilang sa mga ito ang kawalang kahandaan ng gobyerno; mas palalalain ang kulang-kulang na pasilidad, mga guro, at maging ng mga paaralan. Kawalang kahandaan din sa pagsasanay ng mga guro at kakulangan sa mga gagamiting modules. Gayundin, problema ang mismong lalamanin ng K to 12 at pangamba na magreresulta ito sa paglaki ng drop-outs sa mga mag-aaral.

Para sa ACT, lahat ng mga multo ng K to 12 ay nagkakatotoo ngayon sa kanilang harapan samantalang ayaw pa rin magising ng gobyerno sa bangungot na nililikha nito.

Senior high school at iba pang problema

Ngayong taon unang tatanggap ng mga mag-aaral para sa mga senior high school (SHS) ang mga paaralan sa ilalim ng K to 12. Pero nakikita na hindi handa ang mga publikong paaralan para dito.

Ayon kay Senen Jane, ACT-chairperson ng Region III, marami umano ang hindi nakapag-enrol para sa SHS partikular sa kanilang rehiyon. Hindi nila alam kung saan nila hahanapin ang mga ito; kung nakapag-enrol ba sa mga pribadong paaralan o tuluyan nang hindi nakapag-aral.

Malaking problema din umano ang kanilang kinakaharap sa kung anong mga track ang kakailanganin ng mga estudyante dahil kalakhan umano ng kanilang mga paaralan ay wala o limitado ang ino-offer. Halos wala din umanong pasilidad para sa mga technical-vocational courses ang mga paaralan.

Actually, wala talaga. Ang tingin ko papasanin din ng mga mag-aaral yan. Kung sa welding yan, magdadala ka ng sarili mong welding rod (at) sarili mong bakal. Gastos yun ng estudyante, gastos yun ng magulang,” ayon kay Jane.

Samantala, hindi pa rin tapos ang mga gusali para sa SHS sa Negros ayon kay Gualberto Dajao, chairperson ng ACT-Negros Island Region. Maliban pa roon, problema din nila ang enrolment para sa SHS.

Kasalukuyan pa ring ginagawa ang gusali para sa senior high school sa Batasan National High School. <strong>Pher Pasion</strong>

Kasalukuyan pa ring ginagawa ang gusali para sa senior high school sa Batasan National High School. Pher Pasion

“Nagkakaroon ngayon ng problema sa teachers, dahil itong nangyari. Out of 6,000 graduates from division of Bacolod City, more or less 800 lang ang enrollees namin sa grade 11. May mga bago kaming items, mga 180, pero baka magkaroon kami ng mga teacher na walang trabaho dahil walang enrollees, ” ayon kay Dajao.

Sadyang kulang-kulang pa rin umano ang preparasyon sa kanilang rehiyon. Hindi pa umano tapos ang itinatayong school buildings para sa SHS. At kahit na magkaroon ng bagong gusali, wala pa rin umanong mga upuan at iba pang kagamitan. Hanggang ngayon, nasa bidding pa rin umano ang mga ito.

Problema din umano ang kakailanganin para sa mga strands ng K to 12. “May isang school may isa o dalawang welding machine lang. May problema din tayo dyan dahil sa dagdag na pangangailangan ng electricity requirement. Dahil maliit ang supply ng kuryente sa public schools or di kaya wala talaga kuryente. Kaya kung maraming computers, maraming welding machine, hindi kaya,” ayon kay Dajao.

Dagdag pa niya, maaga pa lamang umano nang kanilang makita na hindi aabot ngayong Hunyo ang kanilang preparasyon para sa K to 12, “kaya there was a time na merong mga unwritten order na sabihin sa mga estudyante na ‘doon muna kayo sa private schools.’”

Maging ang modules na kailangan sa pagtuturo kulang pa rin umano at mabagal ang pagdating  sa kanila lalo na sa mga malalayong mga lugar.

This K to 12 (of Aquino) will increase drop-out rates in regions. Denying public education is already a crime of this administration. Kahit sabihin nating may facilities, sabihin natin may kumpletong facilities, pero magkakaproblema sila sa additional burden ng kanilang magulang,” ayon kay Dajao.

“Particular sa Davao Region, parehas lang ang sitwasyon. Maraming kakulangan, facilities, buildings, mga upuan, mga libro. Kahit ang modules ng grade 7 hindi pa kumpleto hanggang ngayon,” ayon kay Elenito Escalante, chairperson ng ACT-Davao Region.

Hindi pa umano natutugunan ang mga lumang problema sa sektor ng edukasyon, dinagdagan pa umano ito ng K to 12. Ang pagtutulak sa mga mag-aaral na pumunta sa mga pribadong paaralan ay isang malinaw na manipestasyon na kakulangan ng kahadaan ng gobyerno para dito.

Maging ang pagsasanay ng mga guro para sa bagong kurikulum na ito ay pawang minadali, “may mga mass training pero ang tingin ng mga teacher hindi talaga sapat. Kulang talaga. Isang kurikulum yan, tapos ilang araw lang (ang trainings),” ayon kay Escalente.

Kaya naman sa minadaling pagsasanay sa mga guro, tanong nila Escalente kung anong klaseng kalidad ng edukasyon ang maituturo ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral?

Voucher system at Pribatisasyon

Bilang solusyon sa mga mapipilitang mag-enrol sa mga pribadong paaralan, gumawa ng voucher system ang gobyerno. Ibig sabihin babayaran galing sa pondo ng bayan ang matrikula ng mga papasok sa pribadong paaralan.

“Ibig sabihin niyan, hindi na libre ang high school education sa voucher system. Ang gobyerno na ang nagpo-pondo o nagsisiguro sa kikitain ng mga pribadong paaralan,” ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.

Dinalaw ng ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang isang masikip at mainit na faculty room sa ilalim ng hagdan sa Batasan  National High School. <strong>Pher Pasion</strong>

Dinalaw ng ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang isang masikip at mainit na faculty room sa ilalim ng hagdan sa Batasan National High School. Pher Pasion

Nasa P12 bilyon ang inilaang badyet ng gobyerno para sa voucher system na mapupunta sa mga pribadong paaralan.

Isang porma ng pribatisasyon ang voucher system na ito, ayon kay Tinio. Pagdadala ito hindi lamang ng pondo ng bayan sa mga pribadong paaralan kundi maging ang responsibilidad ng gobyerno na magbigay ng dekalidad at libreng edukasyon sa mamamayan nito.

Ayon naman kay Dajao, mas dapat ibigay na lang ang pondo ng voucher system sa mga publikong paaralan para mapahusay ang public education system imbes na ibigay sa mga pribadong paaralan.

Sustainable ba ang voucher system? Hindi. Kasi wala ka namang kontrol sa matrikula ng private schools. Mas magastos sa private schools at hindi covered iyon ng voucher system,” ayon kay Lani Flores, national PRO ng All UP Academic and Employees Union at deputy secretary general ng ACT-State Universities and Colleges.

Isa ito sa mga inaasahang dahilan kung bakit sinasabi ng Kabataan partylist mula sa kanilang datos na aabot sa isang milyon o higit pa ang aabutin ng drop-out rate ngayong taon.

Ngayong taon din pinayagan ng DepEd na magtaas ng matrikula ang may 1,232 na pribadong mga paaralan sa elementarya at high school.

“Ang observation namin ngayon, kakaunti ang nag-eenrol sa public schools, even sa private schools. Hindi umaabot sa target nila. Noon pa man, sinasabi na namin problema ito sa mga magulang. Dahil wala pa ang senior high school, marami talaga ang hindi pumapasok sa college. Walang pantustos ang magulang para magtuloy ng dalawang taon sa high school,” ayon kay Escalente.

Ayon sa pag-aaral ng Center for Women’s Resources, isang 34-taon research at training institution para sa mga kababaihan, aabot sa 39 porsiyento ng kabuuang kita ng isang pamilyang may limang miyembro ang kailangan ikonsumo para sa dagdag na pangangailangan ng isang anak na papasok sa SHS.

Hindi lang pagbabago sa kurikulum

Pero kung matugunan man ang mga kakulangan gaya ng guro, klasrum, pasilidad, at iba pang pisikal na kakailanganin para sa K to 12, malalim ang problema nito lalo na sa mismong nilalamang kurikulum at nais nitong baguhin.

Hinati. Ginawang 2 in 1 ang ibang mga klasrum sa Batasan National High School para pagkasyahin ang mga mag-aaral. <strong>Pher Pasion</strong>

Hinati. Ginawang 2 in 1 ang ibang mga klasrum sa Batasan National High School para pagkasyahin ang mga mag-aaral. Pher Pasion

Ayon kay Flores, hindi lamang ang haba ng pag-aaral mula 10-taon tungong 12-taon ang problema ng K to 12; babaguhin nito maging ang oryentasyon ng edukasyon at bibigyang katuwiran o legalidad ang kontraktuwalisasyon sa sektor ng edukasyon.

“Kapag sinuri mo ang K to 12 na batas, binabago nito ang obligasyon o tunguhin ng batayang edukasyon dahil inilagay doon ang public-private partnership na nandoon mismo sa batas. Nasa batas din na ok lang ang contractualization. Higit pa sa usapin ng curricular revision ang K to 12,” ayon kay Flores.

Dagdag ni Flores, ang kagyat na usapin ngayon sa edukasyon ang accessibility at kalidad nito, “yung depenisyon ng kalidad depende yan kung ano ang pilosopiya ng gobyerno.”

Bago simulan ang K to 12, nasa 43 prosiyento ang finishing rate ng high school, ibig sabihin wala ito sa kalahati ang nakakatapos ng high school.

Ganito rin ang pagtingin ni Jane, “mula noon, hindi na naging makabayan ang oryentasyon ng edukasyon. Makadayuhan na ito at lalo pang pinaigting ng K to 12. Mas lalo pang dinurog ng K to 12 ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.”

Kung susuriin pa umano ang K to 12 marami pa itong kulang. Dapat umanong may masinsin na report ang over sight committee ayon sa batas. Dapat noong December 2015 pa umano naglabas ng comprehensive na pag-aaral o evaluation ang DepEd sa antas na inabot ng implementasyon, ayon kay Flores.

Maging ang normal schools o mga teacher training institutions, hindi pa nakahanda ang teacher training curriculum nila papuntang K to 12, dagdag pa niya.

Protesta laban sa K to 12 sa pangunguna ng Kabataan Partylist. <strong>Kontribusyon/CEGP</strong>

Protesta laban sa K to 12 sa pangunguna ng Kabataan Partylist. Kontribusyon/CEGP

Dala din ng K to 12 ang paglalayong malabnawin ang pagiging makabayan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang pagtanggal o pagpapa-iksi sa mga makabayang asignatura gaya ng Philippine History, social studies, at wikang Filipino.

Dito nakikita na ang layuning ipagtapos ng K to 12 ay mga mag-aaral na kakailanganin ng mga negosyo sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang isa sa mga pangunahing dahilan ng implementasyon ng K to 12, ang sumabay sa pandaigdigang sistema ng paggawa.

Kaya naman ang mga kursong iniaalok sa K to 12 ay hindi kataka-takang mga semi-skilled na kasanayan na kakailanganin ng negosyante para pagkunan ng murang lakas-paggawa at kontraktuwal.

“Wala tayong aasahan sa kurikulum na ito.  Hindi ito nakaprograma para sa sarili nating bansa. Nakatuon ito sa kung ano man ang pangangailangan ng ibang bansa,” pagtatapos ni Escalente.

 

 

Depensa sa West PH Sea

$
0
0

Hindi pag-aari ng China ang West Philippine Sea.

Ito ang desisyong inilabas ng pandaigdigang Permanent Court of Arbitration (PCA) sa kasong isinampa ng Pilipinas sa China sa pag-angkin ng huli sa halos kabuuan ng naturang bahagi ng karagatan na pinagtatayuan ngayon ng China ng artipisyal na mga isla.

Pormal na nagsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China noong Enero 22, 2013 sa PCA dahil sa namumuong tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo. Nagsimulang magtayo ang China ng mga pasilidad sa mga teritoryong inaangkin nito at lumikha ng mga artipisyal na isla. Gayundin, nagsasagawa ang China ng ehersisyong militar dito.

Ayon sa desisyon, walang legal na basehan ang historikal na pag-angkin ng China sa mga yaman sa loob ng “nine dash line” nito sa West Philippine Sea. Nilabag din ng China ang obligasyon ito sa ilalim ng Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea noong 1972.

Pero sa kabila nito, iginiit ng makabayang mga organisasyon na kailangang ipagpatuloy ang paglaban para sa karapatan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea. Kabilang dito ang mga mangingisdang pinagtataboy ng Chinese vessels sa Bajo de Masinloc, gayundin ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino sa mga likas-yaman na nasa naturang karagatan.

Sinabi rin ng naturang mga organisasyon na di dapat magpagamit ang administrasyong Duterte sa iba pang makapangyarihang mga puwersa tulad ng gobyernong US na may interes din sa ating teritoryo at likas-yaman.

Piket ng iba't ibang progresibong organisasyon sa harap ng konsulado ng China sa Makati noong araw ng paglabas ng desisyon ng arbitral tribunal. <b>KR Guda</b>

Piket ng iba’t ibang progresibong organisasyon sa harap ng konsulado ng China sa Makati noong araw ng paglabas ng desisyon ng arbitral tribunal. KR Guda

Nilabag ng China

Nilabag umano ng China ang soberanya ng Pilipinas, ayon sa PCA.

“Nang mapag-alaman nitong may mga bahagi (ng West Philippine Sea) na exclusive economic zone ng Pilipinas, napagtanto ng Tribunal na nilabag ng China ang karapatan sa soberanya ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito sa pamamagitan ng (a) pagharang sa mga pangingisda at eksplorasyon sa petrolyo ng mga Pilipino, (b) pagpapatayo ng artipisyal na mga isla at (c) di-pagpigil sa mga mangingisdang Tsino na mangisda sa naturang lugar,” sabi pa ng naturang korte.

Binatikos din ng PCA ang China sa pagkasira diumano sa kalikasan ng lugar dahil sa pagtatayo nito ng artipisyal na mga isla sa pinagtatalunang mga teritoryo.

Pinuri ng mga makabayan ang desisyon ng PCA. Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, “(P)inalalakas (ng desisyon) ang posisyon ng Pilipinas sa mga usapang bilateral (o usapan sa pagitan ng China at Pilipinas lang) sa China sa hinaharap, lalo na’t dineklara nang walang legal, historikal at moral na batayan ang mapagpalawak na nine-dash line theory ng China.”

Nine-dash line” ang linya na nagpapakitang historikal na saklaw ng teritoryo ng China ang halos buong West Philippine Sea o nasa 85.7 porsiyento ng karagatang ito. Katumbas ito ng pag-angkin sa three million square kilometers ng West Philippine Sea. Nasa 3.5 million square kilometers ng nasabing dagat.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na plano ng kanyang administrasyon na itulak ang mga usapang bilateral at makapagbuo ng kasunduan sa China na sabay na makakapagsagawa ng eksplorasyon sa naturang lugar.

Iginiit ng makabayang mga organisasyon ang pangangailangang labanan ang imperyalismo--Tsino man o Amerikano. <b>KR Guda</b>

Iginiit ng makabayang mga organisasyon ang pangangailangang labanan ang imperyalismo–Tsino man o Amerikano. KR Guda

Pag-angkin 

Hindi lang Pilipinas ang nakabangga ng China kundi maging ang Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan na umaangkin din sa ibang teritoryo sa West Philippine Sea. Ilang dekada na rin ang pag-aagawan sa mga teritoryo rito.

Tinatapakan ng “nine dash line” ng China ang 200 nautical miles na sakop ng EEZ ng Pilipinas na nakasaad sa internasyunal na tratado ng United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos) na pinirmahan kapwa ng China at Pilipinas, gayundin ng 165 iba pang bansa.

Kabilang dito ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc na pinapangisdaan ng mga Pilipino. Nakaranas ang mga Pinoy ng harasment mula sa mga Tsino matapos bombahin ng tubig ang kanilang mga bangka para itaboy sila sa nasabing pangisdaan.

Itinatag noong 1899, pandaigdigang korte ang PCA para resolbahin ang mga tunggalian sa pagitan ng mga bansasa mga usaping saklaw ng Unclos.  Dito inihain ng Pilipinas ang kanilang kaso dahil wala umano ang “nine dash line” ng China sa nilalaman ng Unclos.

Binoykot ng China ang mga pagdinig sa PCA dahil wala umanong hurisdiksiyon ang nasabing korte para hawakan ang kaso. Kaya hindi rin sila nagtalaga ng mga hurado para irepresenta ang kanilang kampo.

Nauna nang sinabi ng China na hindi nila susundin ang magiging desisyon ng nasabing Tribunal.

Gayunpaman, sa kabila ng tagumpay ng Pilipinas, walang enforcement powers ang korteng ito. Kaya nagagawang balewalainito  ng makapangyarihang mga bansa gaya ng China. Hindi ron lumagdaang US sa Unclos, kaya di ito sakop ng PCA.

Tugon

Kinasangkapan ng nakaraang administrasyong Aquino ang isyu ng pananakop ng China sa West Philippine Sea para bigyan-katarungan ang pagpasok ng mga puwersang militar ng US sa ilalim ng Visiting Forces Agreement o VFA at pagtatag ng mga base-militar nito sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Kritikal siyempre ang mga progresibo sa posisyong ito ni Aquino. Ayon sa makabayang mga organisasyon, paglabag din sa soberanya ng bansa ang pagpapasok ng puwersang militar ng US sa bansa. Layunin umano ng US sa Pilipinas na palakasin ang presensiyang militar nito para sa sariling pang-ekonomiyang interes, hindi para protektahan ang Pilipinas sa posibleng pananakop ng China.

Itinuturing ng mga progresibo na dalawang nagbabanggaang imperyalistang puwersa ang China at US, at lalo lang malalabag ang soberanya ng Pilipinas sa pagpayag sa US na magbase-militar sa bansa.

Ayon kay Zarate, isang pandaigdigang kampanya ang kailangang ilunsad para tuluyang ipresyur ang China na umatras sa West Philippine Sea.

“Hinihikayat din namin ang administrasyon ni Pangulong Duterte na pangunahan ang iba pang diplomatikong hakbang para palakasin ang ating claim at patibayin ang ating mga posisyon, habang patuloy ding hinaharap natin ang China sa mga usapang bilateral o multilateral na kapapakinabangan ng dalawang panig,” sabi pa ni Zarate.

Tungkulin din umano ng progresibong mga organisasyon na palakasin ang kampanya sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa mas malawak na bilang ng mga mamamayang Pilipino na sa paggiit ng soberanya sa West Philippine Sea, dapat tutulan ang panghihimasok ng lahat ng mga imperyalista—Tsino man ito o Amerikano.


 

Maralita, dehado sa sistema ng hustisya sa bansa

$
0
0


Malinaw ang mensahe ni Pangulong Duterte sa laban kontra ilegal na droga. Kaya naman nagiging mainit na isyu ngayon ang mga operasyon dito, mula sa libu-libong pagsuko ng mga may kinalaman dito hanggang sa sunud-sunod na patayan.

Maraming reaksiyon ang inaani sa pagsugpo kontra-droga ng administrasyong Duterte. Pawang mga maliliit o small time lamang umano ang mga napapaslang dito ng mga pulis. Ang iba naman, pinapatay umano ng mismong mga sindikato ng droga ang mga tao nila sa ibaba para hindi sila maituro.

Isa ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa nanawagan na itigil ang sunud-sunod na pamamaslang sa maliliit na gumagamit o nagtutulak ng droga. Bagamat kanilang sinusuportahan ang kampanya kontra droga, hindi umano dapat pagbanggain ang paglaban sa droga at pagrespeto sa karapatang pantao.

Ayon sa grupo, dapat na ayusin ang criminal justice system sa bansa upang makatulong o makapagbigay daan sa paglilitis sa mga sangkot sa droga imbes na agarang paslangin ang mga ito.

Paano, para kanino

Marami umanong problema ang criminal justice system sa bansa, ayon kay Edre Olalia, abogadong pangkarapatang pantao at pangkalahatang kalihim ng NUPL, sa panayam ng Altermidya-People’s Alternative Media Network. Mabagal ang ito sa maraming mga dahilan. Marami umanong pasikut-sikot na sa bawat inog ng kaso itinataas sa korte.

Hindi rin umano accessible abot-kamay, at magastos ito. Hindi umano sumasapat ang mga pro bono o libreng abogado. Gayundin, marumi umano at kurakot ito kabilang ang mga palakasan at padre-padrino.

“May double standard at multiple standard. Sa double standard, mahirap walang kapangyarihan, sa kabila mayaman, makapangyarihan. Kahit dito may multiple standards, kahit dito may pagkakaiba, may pagtatangi. Pareho silang makapangyarihan pero mas makapangyarihan yung isa,” ayon kay Olalia.

Nakakatulong din umano ang impunidad, o ‘yung walang pananagutan, sa kawalang tiwala at pagkainip sa justice system, dagdag ni Olalia. Maging ang dayuhang wika na ginagamit sa korte at maging sa mga batas ay malaking problema rin umano dahil hindi ito naiintindihan ng madla, ayon kay Olalia.

Hamon

Sa pangkalahatan, sumasalamin sa interes ng mga naghaharing-uri ang sistemang legal at panghukuman na makikita sa mga batas.

“Yung mali hindi mo puwedeng sagutin ng mali. Kailangan ituwid ang mali sa tamang pamamaraan. Kung mabagal yan, pabilisin. Hindi yung mabilis na short cut talaga yung sinasabi nating summary execution. Hindi. Kailangan may paraan o proseso. Pero tanggalin lahat ang pagkakataon na ma-delay. Siguraduhin yung nagbabayad mula sa mababa hanggang sa mataas ay mananagot,” ayon kay Olalia.

Malaking hamon at tungkulin umano ito sa bagong luklok na administrasong Duterte na ibalik ang tiwala at baliktarin ang kalakaran sa pagkamit ng hustisya sa bansa dahil nasa kaniya umano ang kapangyarihan at pagkakataon para gawin ito.

“Mas mabuti pang hindi mo mabaril ang tunay na durugista o nagtutulak kaysa mabaril mo yung naturo lamang dahil sa maling impormasyon o napagdiskitahan lang o gusto mo talagang i-short cut. Sa dulo talaga niyan buhay. Imbes na yung kapayapaan ng sementeryo na ubusin na lang lahat yan, if along the way may masagasaan sorry na lang. No. We will not accept that. Never will we accept that,” sabi pa ni Olalia.

One innocent life who is killed summarily is one innocent life too many.


 

Landas tungo kapayapaan, pinakikitid ni Duterte?

$
0
0

Muling nagbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA). Sa pagkakataong ito, inirereklamo naman niya ang paggamit ng command-detonated explosives (CDX landmines). Nagbanta na si Duterte na hindi matutuloy ang usapang pangkapayapaan kung patuloy ang paggamit ng rebolusyonaryong kilusan ng CDX landmines sa mga taktikal na opensiba nito.

Pero ang hindi niya alam o hindi niya sinasabi, hindi ipinagbabawal sa pandaigidigan at lokal na mga batas ang ganitong klase ng sandata sa gerilyang pakikidigma. Iginiit ng CPP na naaayon ito at pinahihintulutan ng Geneva Conventions at Ottawa Treaty on Landmines. Malayo umano ito sa victim-detonated landmines o iyong sumasabog tuwing matapakan o madaanan lang ng tao o hayop.

Nagreklamo si Duterte sa paggamit ng NPA ng CDX landmines matapos limang sundalo ang napatay sa isang serye ng engkuwentro sa mga bayan ng Monkayo at Maragusan sa Compostela Valley at sa Valencia City, Bukidnon noong Agosto 4 at 5. Nasa 12 sundalo din ang sugatan mula sa landmine.

“Ang mga pampasabog at landmine na ginagamit ng NPA ay command-detonated o pinasasabog nang manu-mano… ang CDX landmine na ginagawa ng NPA ay hindi sasabog kung matapakan, mapatid, o kaya’y masipa,” ayon sa CPP.

Sa kabila ng probokatibong mga pahayag ni Duterte kamakailan, nanawagan ang mga konsultant at iba pang tagasuporta ng usapang pangkapayapaan na ituloy ang negosasyon sa Agosto 20 sa Oslo, Norway. <b>Pher Pasion</b>

Sa kabila ng probokatibong mga pahayag ni Duterte kamakailan, nanawagan ang mga konsultant at iba pang tagasuporta ng usapang pangkapayapaan na ituloy ang negosasyon sa Agosto 20 sa Oslo, Norway. Pher Pasion

Wala pa ring pinapalaya

Inirereklamo ng NDFP at maging ng mga grupong pangkarapatang pantao na hindi pa rin tinutupad ni Duterte ang pangako niyang magpapalaya ng mga bilanggong pulitikal, pangunahin ang mga konsultant pangkapayapaan ng NDFP na nakakulong.

Nababahala tuloy ang mga rebolusyonaryo na tila “pinapakitid” ni Duterte ang landas tungo sa kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan. Samantala, hinihintay pa rin umano ng mga mamamayan ang “tunay na pagbabago” na ipinangako ng Pangulo noong kampanya.

Matatandaang naantala na ang pagsisimula ng usapang pangkapayapaan para bigyan ng panahon ang rehimeng Duterte na tupdin ang pangako nitong magpalaya ng mga bilanggong pulitikal. Unang itinakda ang pagsisimula ng usapan noong unang hati ng Hulyo. Pero hindi ito natuloy matapos hindi gamitin ni Duterte ang kanyang kapangyarihan para agad na tuparin ang pangakong palayain ang 22 konsultant ng NDFP at halos 550 detenidong pulitikal, ayon sa CPP.

“Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga konsultant. Halimbawa si Alan Jazmines, siya ang chair ng reciprocal working committee ng social and economic reforms ng NDF. Ang iba ay nasa iba-ibang reciprocal working groups. Kaya napakahalaga ng releases ng mga konsultant,” ayon kay Randall Echanis, NDFP consultant.

Randall Echanis, konsultant pangkapayapaan ng NDFP. <b>Pher Pasion</b>

Randall Echanis, konsultant pangkapayapaan ng NDFP. Pher Pasion

Para naman kay Edre Olalia, abogado at legal consultant ng NDFP para sa usapang pangkapayapaan, posibleng mapalaya ang mga konsultant sa loob lamang ng dalawang araw kung walang aberya at gugustuhin talaga ng gobyerno na mapalaya sila.

Mahalaga sa taumbayan

Kung pagbabatayan lamang ang mga naging kilos ni Duterte sa nakaraang mga linggo, tila lumiliit ang potensiyal na may matatamong makabuluhan sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan.

Sabik man umano ang rebolusyonaryong mga puwersa na muling simulan ang usapang pangkapayapaan, nakahanda rin silang maghintay na tuparin ni Duterte ang pangakong pagpapalaya sa mga konsultant ng NDFP.

Kung sakaling matuloy ang usapang pangkapayapaan sa Agosto 20 hanggang 27 sa Oslo, Norway, umaasa rin ang NDFP na susundin ng dalawang panig ang naunang daloy ng usapan na pinagkasunduan sa The Hague Joint Declaration noong 1992.

Sa nasabing deklarasyon, nakatakdang pag-usapan na ang mga repormang sosyo-ekonomiko na tutugon sa ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Matagal nang nakasalang ang panukalang mga reporma ng NDFP, kabilang ang tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon, at iba pang isyung higit na makikinabang ang mga mamamayan at hindi lamang interes ng iilan.

Kapayapaang nakabatay sa hustisya at pagtugon sa ugat ng armadong tunggalian ang nais abutin sa usapang pangkapayapaan, atras-sulong man ang inuusad nito, ayon sa NDFP.


 

Walang-taning na tigil-putukan

$
0
0

Pinagkasunduan ng kapwa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) ang anim sa mayor na kasunduan matapos ang limang araw na pormal na usapang pangkapayapaan na ginanap sa Oslo, Norway nitong Agosto 22-27.

Kabilang sa mga napagkasunduan:

  1. Muling pagkilala sa mga nauna nang naging kasunduan;
  2. Muling pagbubuo ng listahan ng NDFP ng mga taong protektado ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig);
  3. Pagpapabilis ng negosasyong pangkapayapaan na may takdang panahong susundin para sa tatlong nalalabing substantive agenda — mga repormang sosyo-ekonomiko, mga repormang pampulitika at konstitusyonal, at pagtigil ng mga labanan at disposisyon ng mga puwersa;
  4. Pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal tungo sa pagkakamit ng kapayapaan at may konsiderasyon sa Jasig;
  5. Pagrekomenda ng GRP Panel kay Pangulong Duterte na mag-isyu ito ng isang proklamasyon ng amnestiya proclamation para sa mga bilanggong pulitikal ng NDFP kabilang ang mga nabilanggo dahil sa kanilang pulitikal na paniniwala, sa ilalim ng pahintulot ng Kongreso; at
  6. Pagdeklara ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) ng bagong unilateral ceasefire na walang tiyak na hangganan, epektibo Agosto 28, bilang tugon sa walang tiyak na hangganan at unilateral ceasefire ni Duterte na nagsimula noong Agosto 21.
Prof. Jose Maria Sison, chief political consultant to the National Democratic Front of the Philippines, signs the Joint Statement. <b>AlterMidya Photo</b>

Nilagdaan ni Prop. Jose Maria Sison, chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines, ang Joint Statement. AlterMidya Photo

Nitong Agosto 28, nagdeklara ang CPP-NPA ng kanilang unilateral at walang tiyak na hangganan na tigil-putukan.

Para sa dalawang panig, isang tagumpay na maituturing ang pagkakamit ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan at ang mapagkaisahan ang anim na mayor na kasunduan.

“Mabuting balita ito para sa mga Pilipino — ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, ang repormang agraryo, at iba pang panlipunan at pang ekonomiyang reporma ay seryosong matatalakay,” ayon kay Luis Jalandoni, punong negosyador ng NDFP.

Para naman kay Presidential Adviser for Peace Process Sec. Jesus Dureza, kanilang tinitingnan bilang oportunidad na tapusin kung ano ang kanilang nasimulan noon. Ang tagumpay nito aniya’y dahil sa pamumuno ni Duterte.

“Marami pang kailangang gawin. Pero tulad ng sinabi ng Presidente, manatili tayong lahat sa direksiyong ito na magkasama ano man ang mangyari,” ayon kay Dureza.

Umaasa naman si Prop. Jose Maria Sison, punong konsultant pampulitika ng NDFP, na maingat at seryosong matanganan ang usapang pangkapayapaan bilang tugon sa lumalalang krisis sa malakolonyal at malapiyudal na sistema at ang pagnanais ng mga mamamayan para sa rebolusyonaryong pagbabago.

Nagkasundo ang dalawang panig na muling ipagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa darating na Oktubre 8 hanggang 12 sa Oslo, Norway.

New People's Army sa Surigao del Norte. <b>Contributed Photo</b>

New People’s Army sa Surigao del Norte. Contributed Photo


 

Kawani laban sa kontraktuwalisasyon

$
0
0

Habang nakatuon ang administrasyong Duterte sa laban nito kontra-droga, laban naman sa kontraktuwalisasyon ang hinaharap ng mga kawani ng gobyerno.

Kaya sa kanilang pagtatatag ng Kawani Laban sa Kontraktuwalisasyon o StopCon (Stop Contractualization), nais ipahayag ng mga kawani na di lang sila naghihintay sa pangako ni Pangulong Duterte upang wakasan ang kontraktuwalisasyon. Nandoon sila para maging puwersa sa pangakong pagbabago ng administrasyon.

“Mismo sa gobyerno, yung mga batas ay may probisyon na mayroong ‘legal’ na porma ng kontraktuwalisasyon. Naniniwala kami na pagbabalewala ito sa batayang usapin ng mga manggagawa na pagkakaroon ng regular na trabaho,” ani Ferdie Gaite, pangulo ng Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage).

Laganap

Naitatatag ang StopCon bunga ng matagal na panahon na pangangampanya ng mga manggagawa sa sektor-publiko dahil sa nakakabahalang kalagayan na dumarami ang mga manggagawa sa gobyerno na kontraktuwal ang trabaho.

Ayon sa Courage, sa mga naunang taon gaya ng dekada ‘90, mga casual ang katawagan sa mga kontraktuwal na may employee-employer relationship. Pero sa sumunod na mga taon bunga ng pagpapaigting ng neoliberalismo, dumami ang job orders, contract of services, at iba pang katawagan na sa esensiya’y kontraktuwal at wala silang employee-employer relationship.

Isa sa mga rekisito para maging regular ang manggagawa ang employee-employer relationship. Ibig sabihin, dapat kinikilala ng kompanya na empleyado nito ang isang manggagawa.

“Dumami rin ang outsourced na mga empleyado na gumagampan ng mga kahalintulad na trabaho tulad ng janitorial, accounting, encoding, at security guard services,” ani Gaite.

Sa taong 2010, nasa 120,000 ’yung casuals na tinatawag na may employee-employer relationships. Pero may 280,000 na job orders o contract of services na walang employee-employer relationship.

“Lumalabas ngayon, umaabot na sa higit kalahating milyon (ang kontraktuwal) batay sa huling datos ng Civil Service Commission. Obviously, kung kalahating milyon, isama mo ang kabuuang bilang, halos 1/3 ng burukrasya ang tataguriang kontraktuwal kasama na ang may employee-employer relationship o wala,” ani Gaite.

Tulad ng maraming kontraktuwal sa pribadong sektor, nahaharap din ang mga nasa gobyerno sa walang kaseguruhan sa trabaho, mababang sahod, walang karagdagang benepisyo tulad ng insurance coverage (GSIS o SSS), walang Pagibig, walang PhilHealth, at ipinagbabawal ang pagsama sa unyon dahil hindi sila itinuturing na kawani.

Ferdie Gaite, pambansang pangulo ng Courage. <b>Mayday Multimedia</b>

Ferdie Gaite, pambansang pangulo ng Courage. Mayday Multimedia

Hamon sa lahat

Bago pa ang eleksiyon, binanggit na ni Duterte ang kanyang pagtutol sa kontraktuwalisasyon. Naniniwala ang Courage na bunga ito ng kampanya ng kawani at mga mamamayan laban sa kontraktuwalisasyon.

Natutuwa ang Courage na may pagkaseryoso ang Pangulo na itigil ang kontraktuwalisasyon. Pero naniniwala ang Courage na di lang nasa Pangulo ang laban dito kundi nasa pagkilos ng mga kawani sa gobyerno at mga mamamayan upang tuluyan itong wakasan.

“Naniniwala kami na hindi maibibigay ang kahilingan ng mga manggagawa nang hindi ipinaglalaban. Kaya dapat maglinaw ang mga kawani na apektado rito kung paano sila pinagsasamantalahan,” pagtatapos ni Gaite.


 

‘Panahon na para sa independiyenteng polisiyang panlabas’

$
0
0
Rali sa harap ng embahada ng US bilang suporta sa mga pahayag ni Duterte para sa independiyenteng ugnayang panlabas ng bansa. <b>Mayday Multimedia</b>

Rali sa harap ng embahada ng US bilang suporta sa mga pahayag ni Duterte para sa independiyenteng ugnayang panlabas ng bansa. Mayday Multimedia

Panahon na para panindigan ni Pangulong Duterte ang kanyang pahayag hinggil sa independiyenteng polisiyang panlabas.

Ito ang inihayag ng iba’t ibang grupong makabayan sa harap ng embahada ng US nitong Setyembre 16, anibersaryo ng pagbasura sa RP-US Bases Agreement noong 1991.

Sandaling hinarang pa ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang martsa ng daan-daang aktibista sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na nagrali hindi para punahin ang nakaupong administrasyon, kundi para suportahan ang mga pahayag ni Duterte hinggil sa pagtatakda ng independensiya sa ugnayang panlabas. Ayon sa mga grupo, makasaysayan ang pahayag ni Duterte dahil sa unang pagkakataon, tahasang sinasabi niyang matagal nang nangingibabaw ang gobyernong US sa pulitika ng Pilipinas–at dapat nang wakasan ito.

Kaugnay ng mga pahayag ni Duterte sa ugnayang panlabas, inihayag din niya na kailangang umalis na ang tropang Kano sa Mindanao. “Yung US Special Forces, kailangan nilang umalis. Kailangan nilang umalis sa Mindanao. Maraming Amerikano doon,”ani Duterte sa kanyang talumpati sa Malakanyang sa harapan ng kanyang huling mga itinalaga sa mga posisyon sa gobyerno. Sinabi niyang nagdudulot lang ng higit na tensiyon ang presensiya ng mga Tropang Kano sa Mindanao.

Matapos nito, ayon sa mga makabayan, panahon na para isabuhay ni Duterte ang kanyang paninindigan: Kailangang ibasura na ang di-pantay na mga kasunduang militar ng Pilipinas at US, katulad ng RP-US Visiting Forces Agreement at RP-US Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Rali kontra sa pagbasura ng base-militar ng Kano bago ang pagbasura nito noong 1991. <b>Boy Bagwis/PW File Photo</b>

Rali kontra sa pagbasura ng base-militar ng Kano bago ang pagbasura nito noong 1991. Boy Bagwis/PW File Photo

Krimen ng US

Bago pa man ang desisyong palayasin ang tropang US sa Mindanao, nauna nang ipinaalala ni Duterte ang mga krimen ng Estados Unidos sa Pilipinas sa panahon ng pananakop nito partikular sa mga mamamayang Moro sa Mindanao sa harap mismo ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) sa Vientianne, Laos.

Kabilang dito ang masaker sa Bud Dajo ng libu-libong Tausug kabilang ang kababaihan at bata sa kamay ng mga Amerikanong sundalo sa Jolo, Sulu noong 1906. Hindi nagawang magbigay ni paumanhin ang Amerika sa masaker na ito.

“Tingnan ninyo ang mga katawan… Habang nananatili tayo kasama ang Amerika, hindi kailanman magkakaroon ng kapayapaan sa lupaing iyon. Mas mabuting itigil na rin natin,” ani Duterte habang ipinakikita ang mga larawan ng masaker sa Bud Dajo.

Nauna nang nakiaalam ang Amerika sa usapin ng karapatang pantao sa gera-kontra-droga ng administrasyong Duterte.

Dahil dito, muling binanatan ni Duterte ang pakikialam ng gobyernong US sa ibang mga bansa sa Middle East partikular sa kaguluhan sa Iraq at Libya na may mga naka-deploy na Amerikanong sundalo. Nauna nang sinabi ng Pangulo na nagdadala ng terorismo ang Amerika sa mga bansa sa nasabing rehiyon.

“Tama si Duterte sa paggiit kung ano ang matagal nang hinihingi ng mga mamamayan: pagtatapos ng mahigit isang siglo ng interbensiyong militar ng US sa Mindanao, na nagresulta sa mga masaker ng sibilyan tulad noong Bud Dajo massacre noong 1906 at nangyari sa Mamasapano noong 2015,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Ayon naman sa Communist Party of the Philippines, tunay na dapat alalahanin ng mga mamamayang Pilipino ang barbarismo nang US noong 1899-1913 sa gerang agresyon at kolonisasyon nito sa bansa. Makatutulong si Duterte para mapatampok kung paano isinagawa ng kolonyal na puwersa ng US ang mga masaker, tortyur, panununog ng mga baryo, at puwersang pagpatay at panununog sa mga tao sa kampanya nitong supilin ang paglaban ng mga mamamayang Pilipino.

Independensiya

“Nakahanda ang kilusang masa na makipagtulungan sa rehimeng Duterte sa paggiit ng pambansang soberanya laban sa imposisyon ng imperyalismong US,” pahayag ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Ayon pa sa grupo, hindi ang “pagpapasama” sa relasyon ng Pilipinas-Amerika ang isyu dito. Matagal nang tagibang at sa katunayan ay mapaminsala sa pambansang interes ang relasyong ito. Napapanahon nang magkaroon ng bagong landas at itigil ang neokolonyal na relasyon sa Amerika.

Dagdag pa ng Bayan, upang tunay na maging malaya sa interbensiyon ng tropang Amerikano, dapat umanong ibasura ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng di-pantay na kasunduang militar tulad ng Mutual Defense Treaty, ng Visiting Forces Agreement, ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, at ng Mutual Logistics Support Agreement.


 


National Minimum Wage matagal nang kailangan

$
0
0

Taong 1998 nang simulan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panawagan para sa P125 dagdag-sahod sa buong bansa. Naging bingi ang lahat ng administrasyon mula kay Estrada hanggang kay Aquino sa panawagang ito ng mga mamamayan.

Ngayong administrasyong Duterte, ipinag-utos ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III sa lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) na magsagawa ng pag-aaral para sa nasabing umento.

Ikinatuwa ng KMU at progresibong mga manggagawa ang pahayag na ito ng DOLE. Anila, higit sa P125 na dagdag sa arawang sahod, kailangan na ng pambansang minimum na arawang sahod na P750. Umaasa sila na positibong matugunan ito ng DOLE.

Jerome Adonis, lider-obrero ng Kilusang Mayo Uno. <b>Neil Ambion</b>

Jerome Adonis, lider-obrero ng Kilusang Mayo Uno. Neil Ambion

Pangangailangan

Positibong pagsulong ito sa panawagan ng mga manggagawa para sa signipikanteng taas-sahod sa mahigit isang dekada na hindi ipinatupad ng nagdaang mga administrasyon, ayon sa KMU.

Lubhang kinakailangan ng mga manggagawa ang dagdag-sahod dahil sa taas ng mga bilihin at gastusin, ayon kay Jerome Adonis, pangkalahatang kalihim ng KMU.

“Yung sinabi ng DOLE na ang P125 ay relief, kahit ang P750 ay relief. Dahil klaro sa pag-aaral ng Ibon Foundation na ang kailangan ng manggagawa ay nasa P1,088 kada araw. Yung P750, nasa 70 porsiyento lamang siya ng family living wage (FLW),” ani Adonis.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, institusyon ng pananaliksik, kakailanganin ng pamilyang may limang miyembro ng P32,000 kada buwan para mabuhay nang disente. Kung parehong nagtatrabaho ang dalawang magulang, tig-P16,000 sila– ang panawagang National Minimum Wage.

Ayon sa Ibon, lumalawak ang agwat ng pinakamataas na minimum na sahod sa bansa na nasa National Capital Region (NCR) at ang FLW o kung ano ang kakailanganin ng pamilyang may limang miyembro para mabuhay ng disente. Nasa P481 ang kasalukuyang minimum na sahod sa NCR samantalang tinatayang nasa P1,088 ang FLW dito.

Anila, instrumento ang regional wage system para pababain ang sahod ng mga manggagawa. Kaya naman nangangamba ang KMU na idadaan ng DOLE sa regional wage boards (RWBs) ang pag-aaral para sa P125 dahil maaaring hindi nila ito ibigay at magbigay lamang ng mas mababa dito.

Kayang ibigay

Ginawang dahilan ng nag-daang mga administrasyon na maaari umanong ikalugi ito ng mga kompanya at magtataboy ito palayo sa dayuhang mga mamumuhunan sa bansa. Ga-nito rin ang sinasabi ng isang grupo ng employers — malabo daw ang umentong ito.

Pero sa pag-aaral ng KMU, ang nagpapahirap sa mga negosyo’y hindi ang dagdag-sahod kundi ang mataas na halaga ng bayarin sa kuryente at tubig, gayundin ang mataas na buwis at korupsiyon, liberalisasyon sa kalakalan at smuggling, kompetisyon sa malalaking kapitalista, at bulok na imprastraktura.

“Kahit ibigay nila ang P750 na National Minimum Wage, 20 porsiyento lang sa kabuuang kita nila ang mawawala. Kaya hindi dapat ito magresulta sa pagsasara, pagtataas ng bilihin, at pagsama ng ekonomiya,” ayon kay Adonis.

Mahalagang masamantala ng mga manggagawa ang bukas na oportunidad upang maisulong ang pagkakaroon ng national minimum wage sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Kung walang pagkilos na gagawin, hindi ito kusang ibibigay. Sa totoo lang, kahit may mga pagkilos, tututulan pa rin ng mga kapitalista (ang dagdag sahod). Kaya panahon ito para magkaisa ang mga manggagawa,” pagtatapos ni Adonis.


 

Mga bakas ng Batas Militar, nananatili

$
0
0
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
slide
Kuha ni Elisa Alunday
PrevNext

Matagal nang pormal na winakasan ang Batas Militar. Pero nananatili pa rin ang mga kondisyon na nagbigay-daan sa deklarasyon nito 44-taon na ang nakakaraan.

Ito ang mensaheng dala ng iba’t ibang sektor sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Mendiola sa Maynila upang ipaalala ang mga lagim ng Batas Militar.

“Iniluwal ang Batas Militar mula sa tumitinding krisis ng malakolonyal at malapiyudal na naghaharing sistema. Naging posible ito sa suporta ng imperyalismong US. Harap-harapang pasistang pamumuno ang ginamit upang mandambong ang pinakamasahol na burukrata kapitalista mula sa mga Marcos,” ayon sa Bayan.

Setyembre 21, 1972 nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar upang mapanatili niya ang hawak sa kapangyarihan. Nagresulta ito ng iba’t ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao at nagpatibay sa mga mamamayan upang magkaisa at labanan ang  diktador na nagpapahirap sa sambayanan.

Bilanggong pulitikal, palayain

Binigyang diin din ng mga nagprotesta ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na kasalukuyang umaabot sa 500 sa buong bansa.

Hindi bababa sa 120,000 ang nakulong noong Batas Militar, marami ang biktima ng ilegal na pag-aresto dahil sa kanilang politikal na paniniwala, ayon sa grupong Karapatan.

“Ang pagkakaroon ng mga bilanggong pulitikal sa sinasabing demokratikong bansa ay nagpapatunay na ang marka ng Batas Militar ay naririto pa rin,” ayon kay Jigs Clamor, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Nananawagan ang Bayan na palayain lahat ng bilanggong pulitikal na hindi makatarungang ipiniit ng nagdaang mga rehimen. Nanawagan sila kay Pangulong Duterte na tuparin ang sinabi niyang magdedeklara ang kanyang gobyerno ng general amnesty proclamation sa lahat ng bilanggong pulitikal upang maiwasto ang nagpapatuloy na inhustisya.

Nauna nang pinalaya ng administrasyong Duterte ang mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines bago magsimula ang pagbubukas ng usaping pangkapayapaan sa Oslo, Norway noong Agosto.

Kabilang sa mga napalaya sina Benito Tiamzon, Wilma Austria, Tirso Alcantara, Alan Jazmines, Renante Gamara, Adelberto Silva, Concepcion Araneta-Bucala, Loida Magpatoc, at marami pang iba.

Nananatili ang mga ugat ng kahirapan at paglaban ng sambayanang Pilipino mula sa korupsiyon, panunupil, kawalan ng lupa, kawalan ng trabaho, at neokolonyal na panghihimasok ng imperyalismong US, ayon sa mga nagprotesta.


Mga larawan ni Elisa Alunday

Landas tungo sa kaunlaran ng nakararami

$
0
0
pw-14-33-p01-cover

Isyu ng PW ngayong linggo

Sa linggong ito magpapatuloy ang pormal na usapang pangkapayapaan ng gobyerno at mga rebolusyonaryo. Ang adyenda: pinakamahalagang mga pagbabago sa ekonomiya at paggogobyerno.

Sa Oslo, Norway, pag-uusapan ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (Caser) — ang “puso” ng usapan. Ang mga panukala rito ang inaasahang tutugon sa ugat ng giyera-sibil — tutugon sa kahirapan at pagsasamantala sa mayorya ng mga mamamayang Pilipino.

Lalamanin kasi nito ang radikal na mga reporma gaya ng pagbuwag sa monopolyo sa lupa, dominasyon sa industriya ng pribado at dayuhang mga kompanya, pag-amyenda o pagtanggal sa mga polisiya at batas na mapagsamantala sa ekonomiya, at muling negosasyon sa mga utang panlabas.

Nakapagpalitan na ng balangkas ang dalawang panig para sa Caser.

“Inaasahan namin ang marubdob at interesanteng diskusyon sa pagbabalangkas nito, at sa isang banda inaasahan din namin magiging medyo kontrobersiyal ito,” ani Randall Echanis, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Mga konsultant ng NDFP, sa isang media forum hinggil sa Caser noong nakaraang linggo. <b>Pher Pasion</b>

Mga konsultant ng NDFP, sa isang media forum hinggil sa Caser noong nakaraang linggo. Pher Pasion

Repormang agraryo

Isa sa mahahalagang pag-uusapan ang repormang agraryo lalo pa’t agrikultural na bansa ang Pilipinas at magsasaka ang kalakhan ng populasyon nito.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, nasa siyam sa bawat magsasaka ang walang sariling lupang sinasaka. Hawak kasi ng malalaking panginoong maylupa ang mga lupain sa Pilipinas gaya ng mga Cojuangco-Aquino, Roxas, Enrile, Araneta, at iba pang angkan.

Kontrol din ng malalaking negosyante at dayuhan ang malalaking plantasyon gaya ng pinya, goma, saging, abaka, palm oil, at iba pa na pawang pinakikinabangan ng dayu-hang mga korporasyon.

Sinasabing ginagamit ng mga panginoong maylupa ang kanilang kapangyarihan sa gobyerno para mapanatiling legal ang kanilang pag-aari sa malalaking lupain. Ito ang nakikitang dahilan kung bakit wala nang batas sa Pilipinas para sa tunay na reporma sa lupa.

Nahaharap ang magsasaka sa iba’t ibang porma ng pagsasamantala gaya ng pangangamkam sa kanilang lupa, di-pantay na hatian tuwing anihan, mahal na upa sa lupa at gamit-pansaka gaya ng abono at maging bayad sa irigasyon, pang-aalipin, at mababang pasahod para sa mga manggagawang-bukid na karaniwang nasa mga plantasyon at asukarera.

“Hanggang ngayon, dinedepensahan pa rin ng katutubo ng Kordilyera ang kanilang lupaing ninuno,” sabi naman ni Kennedy Bangibang, konsultant ng NDFP sa Kordilyera.

Ayon sa NDFP, naipatutupad ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (NPA) ang agraryong rebolusyon sa mga teritoryong nasasakupan sa minimum at maksimum mula sa baryo hanggang sa pamprobinsiyang antas.

Sa minimum, ipinatutupad ang mas mababang upa sa lupa, taas-sahod ng mga manggagawang bukid, mababang usura, at pagpapataas ng produksiyon sa pamamagitan ng kooperatiba. Sa maksimum, kanilang kinukumpiska ang lupain sa despotikong mga panginoong maylupa at ibinibigay nang libre sa magsasaka.

Sa karanasan ng agraryong rebolusyon sa Mindanao, lalo na sa mga rehiyon na malakas ang mga kompanya ng pagtotroso, sinasabing nagsimula ang pagpapatupad ng maksimum na programa ng repormang agraryo, ani Loida Magpatoc, konsultant ng NDFP sa Mindanao.

“Ang rebolusyonaryong mga organisasyon ng magsasaka, katuwang ang NPA, sa pamumuno ng [CPP] ay pinamahalaan ang pamamahagi ng lupa na dati’y monopolyo ng logging concessionaires. ‘Yung mga lupaing iyon, hanggang ngayo’y itinuturing ng GRP na public land pero 40 taon nang nililinang ito ng mga magsasaka,” ani Magpatoc.

Gayumpaman, kinaka-harap ng mga teritoryong ito ang atake mula sa militar, sabi naman ni Jaime Soledad, konsultant ng NDFP.

“Ang kanilang tindahan at mga fishpond ay sinisira. Sinasabing tindahan (ito) ng NPA,” sabi ni Ruben Soluta, konsultant ng NDFP sa Leyte.

Dahil nagmumula sa lupa ang kapangyarihang pampulitika ng mga panginoong maylupa at lokal at dayuhang kapitalista, inaasahan ang kanilang pagtutol sa tunay na repormang agraryo.

Mekanisadong pagsasaka sa isang industriyalisadong bansa. <b>Wikimedia Commons</b>

Mekanisadong pagsasaka sa isang industriyalisadong bansa. Wikimedia Commons

Pambansang industriyalisasyon

Malaking problemang kinakaharap ng bansa ang kawalan ng batayang mga industriya. Nagdudulot ito ng kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino. Ayon sa Ibon Foundation, aabot sa 12 milyong Pilipino ang unemployed at underemployed sa bansa.

“Kaya nating tumayo sa sarili natin,” ani Edberto Villegas, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila at konsultant ng NDFP sa sosyo-ekonomikong mga reporma.

Binigyan-diin niya ang napakasaganang likas-yaman ng Pilipinas at galing ng mga mamamayang Pilipino. Pero kinokontrol ng mayayaman at dayuhan ang yamang ito gamit ang gobyerno. Kaya iilan lang ang nakikinabang dito habang nasasadlak sa kahirapan ang karamihang mamamayan.

Aniya, napakayaman sa yamang mineral ng Pilipinas na sasapat para makapagtayo ng sariling industriya ang bansa. Sinasabing pangatlo ang Pilipinas sa reserbang ginto sa daigdig. Pang-apat naman ito sa nickel, at panglima sa copper.

Sabi pa ni Villegas, kailangang ibasura ang Mining Act of 1995 para tanggalin ang malalaking kompanyang Hapones, Amerikano at iba pang dayuhan na nakikinabang sa ating mga mineral at sumisira pa sa kalikasan.

Infographic: <b>Darius Galang</b>

Infographic: Darius Galang

“May environmental protection din (ang NDFP). Kaya ang pagmimina, hindi yung bara-bara na lang kasi aalis na sila (mga dayuhan) eh. Gamitin natin ang mga mineral na isa sa pinakamayaman sa daigdig bago pa masaid ito ng mga dayuhan. Susuportahan ng mining industry ang pagka-repeal sa Mining Act of 1995. Bawal ang dayuhan diyan, kailangan ang humahawak diyan ay ang gobyerno,” ani Villegas.

Isinusulong din ng NDFP ang pagsasabansa ng industriya ng langis. Tinatayang 138.5 milyong bariles ang oil reserves ng bansa. Pang-68 umano ang Pilipinas sa 101 bansa na may reserbang langis sa mahigit na 200 bansa sa daigdig.

“Ang ating langis na nakukuha ay 21,000 barrel per day. Yun lang, di natin kontrolado ang pagkuha ng langis, halimbawa, sa Malampaya, Palawan ang kumukuha ay Shell,” aniya.

Isa rin ang Pilipinas sa may pinakamatabang lupa sa daigdig. Dito, maaaring magtanim ng halos lahat ng agricultural crops, maaaring mag-alaga ng mga hayop gaya ng baboy, baka, manok, at iba pa. Kung malilinang lang ng Pilipinas ang sarili nitong lupain, matutugunan nito ang seguridad sa pagkain.

“Bakit pa tayo mag-aangkat ng bigas, samantalang numero uno tayo (sa bigas) dati? Diniktahan kasi tayo ng World Trade Organization (WTO),” ani Villegas.

Isa ang WTO sa nagtulak ng pag-eksport ng likas-yaman natin para sa kakarampot na kita at empleyo sa bansa. Dito ipinasok ang mga bansa sa kasunduan upang magawang manghimasok ng malalaking bansa sa ekonomiya ng maliliit na bansa.

Dagdag pa niya, kapag namodernisa na ng mga Pilipino ang agrikultura, itatayo ang mga pabrika na gumagawa ng mga traktora at iba pang kagamitang pansaka.

“Dito na gagawin ang makina sa agrikultura at hindi na iimport. Pagnanasyunalisa ito, magtatayo ng pabrika para sa agrikultura. Kaugnay ito ng land reform. Kapag tumaas ang productivity sa agrikultura, magiging food sufficient tayo. Mumura pa ang presyo ng pagkain. Imbes na mag-import tayo ng bigas at kung anu-ano. Ang yaman naman ng lupa ng Pilipinas sa food crops, lahat puwedeng itanim,” sabi pa ni Villegas.

Kasunod umano nito ang paggawa ng mga slaughtering factory, poultry, piggery, at iba pa upang makalikha din ng mga trabaho para sa mga Pilipino na oorganisahin sa mga kooperatiba at kolektibo para matulungan ng gobyerno.

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa ilang konsultant at negosyador ng NDFP para muling ihayag ang suporta sa usapang pangkapayapaan. Nangyari ang pulong mahigit isang linggo bago ang pagpapatuloy ng usapan kung saan inaasahang isasalang ang panukalang mga repormang sosyo-ekonomiko. <b>Presidential Communications</b>

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa ilang konsultant at negosyador ng NDFP para muling ihayag ang suporta sa usapang pangkapayapaan. Nangyari ang pulong mahigit isang linggo bago ang pagpapatuloy ng usapan kung saan inaasahang isasalang ang panukalang mga repormang sosyo-ekonomiko. Presidential Communications

Paglikha ng trabaho

Ayon kay Adelberto Silva, miyembro ng Reciprocal Working Committee on Socio-Economic Reforms, konsultant ng NDFP at aktibistang may malawak na karanasan sa pakikibaka ng mga manggagawa, dulot na malawak na kawalan ng trabaho kaya nagagawang pababain ang sahod ng mga manggagawa.

“Hindi totoong P491 ang minimum wage. Ito ang deklaradong minimum wage sa National Capital Region. Pero kahit sa NCR, napakaliit na porsiyento lang ng mga manggagawa ang nakakatanggap nito,” ani Silva.

Sabi ng Ibon Foundation, kakailanganin ng isang pamilyang may anim na miyembro ng P1,088 kada araw para mabuhay nang disente.

Kawalan din ng trabaho ang dahilan kung bakit nailalagay sa kontraktuwalisasyon ang mga manggagawa. Itinutulak din ng kawalan ng trabaho ang pangingibang bayan ng mga Pilipino at doon makipagsapalaran. Sabi ng Migrante International, nasa 15 milyong manggagawang Pilipino ang nakakalat sa buong mundo. Nasa 6,000 manggagawang Pilipino naman ang umaalis ng bansa araw-araw.

Binigyan-diin ni Villegas ang potensiyal ng Pilipinas pagdating sa pangisdaan. Bilang arkipelago, napakayaman ng bansa sa marine resources. Pang-apat din tayo sa ship building. Pero ang mga Koreano at Hapon ang may hawak ng ship building industry, ani Villegas.

“Bakit Koreano at Hapon? Wala kasing political will ang past governments ng Pilipinas,” ani Villegas.

Ilan lang ito sa mga industriyang nais isabansa ng NDFP. Mayroon umano silang lista ng mga industriya na ihahapag para mapaunlad.

Maaari umano itong maisakatuparan at mapondohan kung tatanggalin ang sistemang pork barrel sa pambansang badyet, muling pakikipagnegosasyon sa utang panlabas, at pagsuporta sa research and development.

Bagamat nakakakuha umano ang mga Pilipino ng mga trabaho sa export-processing zones at business process outsourcing o call centers, di sapat ang mga ito at lalong di ito solusyon.

Kailangang mabaligtad ang sitwasyon na di tayo hinahayaang maging in-dustriyalisado upang pagtam-bakan lang ng yaring produkto ng imperyalistang mga bansa at taga-eksport na lang ng hilaw na materyales at lakas-paggawa.

“Kailangang dito natin maprodyus ang industrial goods sa halip na manggaling sa ibang bayan, tapos ieeksport natin sa ibang bayan ang trabaho,” sabi pa ni Silva.

NDFP konsultant Prof. Edberto Villegas (kanan), katabi ng kapwa konsultant at dating bilanggong pulitikal na si Alan Jazmines. <b>Pher Pasion</b>

NDFP konsultant Prof. Edberto Villegas (kanan), katabi ng kapwa konsultant at dating bilanggong pulitikal na si Alan Jazmines. Pher Pasion

Hindi paghihiwalay

Nilinaw naman ng NDFP na di isolation o paghihiwalay ng Pilipinas sa mga bansa sa daigdig ang kahulugan ng pagtatayo ng mga pambansang industriya. Isang bansa ang Pilipinas na tatahakin ang sariling landas nito tungo sa kaunlaran na hindi dinidiktahan ng dayuhan pero makikipag-ugnay sa mga bansa sa pantay na kapakinabangan at kasunduan.

“Sa pag-aaral namin, puwedeng maging self-sustaining ang Pilipinas.” ani Villegas. Kaya naman pilit na iginagapos ang Pilipinas sa di-pantay na mga kasunduan at pagbubuyangyang sa yaman ng bansa para mapagsasaan ng mga kapitalista gaya ng sa US.

Dagdag naman ni Silva, hindi umano maaaring maggigiit ng independesiya sa US para lang dumepende naman sa China o Russia.

“Isa tayong bansa na kayang tumayo sa sarili natin. Kaya napakahalaga ang punto na isang sovereign country tayo. At sa peace negotiations, sisikapin nating tahakin ang landas natin,” ani Silva.

Magiging mahaba o kontrobersiyal man ang susunod na pag-uusap, ang mahalaga’y seryoso ang dalawang panig na pag-usapan at maisulong ito.

Nandiyan pa rin ang mga banta ng pananabotahe sa usapang pangkapayapaan ng iilang nakikinabang sa kasalukuyang sistema. Pero nakahanda umano ang mga rebolusyonaryo na isulong ang mga pagbabagong ito saan mang larangan — negosasyon man o pagpapaigting ng digmang bayan.


 

Soberanya, peace talks, sa 100 araw ni Duterte

$
0
0

Paggiit sa soberanya ng Pilipinas ang pinakasignipikante sa ika-100 araw ng administrasyong Duterte, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Sumunod dito ang pagharap sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Kasabay ng ika-100 araw ng administrasyong Duterte ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway para pag-usapan ang sosyo-ekonomikong reporma.

Pero marami pa umanong kailangan gawin sa pagtupad ng makabayan at demokratikong mga hangarin ng mga mamamayang Pilipino, ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

“Humaharap ang administrasyong Duterte sa malalaking hamon pagdating sa pagsugpo sa kahirapan, pag-aangat sa sitwasyon ng mga manggagawa at magsasaka, at pagtatayo ng isang masiglang ekonomiya. Humaharap din siya sa pagpalag mula sa mga naghaharing-uri at sa mga nanghihimasok gaya ng (gobyernong) US,” ani Reyes.

Dapat umanong suportahan ang mga pahayag ni Duterte na naggigiit ng pambansang soberanya at pagpuna sa US imbes na tignan ito bilang negatibo, ayon kay Reyes.

Dagdag niya, kailangan ang paggiit sa pambansang soberanya para sa tunay na pag-unlad. Hindi dapat umanong mangamba kung mawala ang mga dayuhang mamumuhunan. Dapat umpisahang isipin ang mga industriyang Pilipino na kailangang itayo upang mapatatag ang ating sariling ekonomiya.

Hindi naman sineryoso ng Bayan ang paninisi kay Duterte sa paghina ng piso kontra dolyar at pag-atras ng portfolio investments. Mas dahil umano ito sa paglaki ng interest rates sa Estados Unidos.

“Ipinapakita nito kung anong klaseng ekonomiya meron tayo, isang mahina at nakadepende sa foreign investments, dayuhang utang, at overseas remittances. Nasa posisyon ngayon si Duterte para baguhin ito,” ani Reyes.

Susi dito ang pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo. Mababawasan nito ang pagiging palaasa natin at pagiging bulnerable sa panlabas na salik. Makalilikha ito ng mga lokal na trabaho at maaasang lokal na merkado, sabi pa niya.

Isa itong pambihirang pagkakataon para sa mga mamamayang Pilipino, ayon sa Bayan. May basehan ang mga puna ng iba kay Duterte sa ibang mga isyu. Gayunman, sinusuportahan nila ang paggiit sa pambansang soberanya at pambansang interes gayundin ang pagsusulong para sa kapayapaan sa pagtugon sa ugat ng armadong tunggalian sa bansa ng administrasyong Duterte.

Alam umano ng Bayan ang kanilang pagkakaiba sa administrasyong Duterte sa ibang mga isyu partikular sa gera kontra droga. Gayunman, magpapatuloy umano silang makipagsalubungan sa prin-sipyadong “pagkikipagkaisa at pakikipagtunggali” sa administrasyon.

Nanawagan din ang grupo sa gobyerno na pabilisin ang pagbawal sa kontraktuwalisayon, pagpa-patupad ng pambansang minimum na sahod, pagpa-patigil sa pribatisasyon ng publikong serbisyo, at pagbabasura sa hindi pantay na kasunduan at tratado sa US.

Ikinatuwa ng mga manggagawa ang deklarasyon ng administrasyon na pawiin nito ang kontraktuwalisasyon sa bansa. Pero puna ng Kilusang Mayo Uno, maliban sa mga pahayag, wala pang kongkretong hakbang ang gobyerno para maisakatuparan ito.


 

Planong pagpawi sa mga dyip sa kalsada

$
0
0

Pinakakilala na pampublikong sasakyan ang mga dyip dito sa Pilipinas at marahil maging sa daigdig. Taglay ng dyip ang kultura ng mga Pilipino sa pagiging malikhain at mapamaraan.

Pero nagbabantang burahin ang sasakyang ito sa mga lansangan sa Pilipinas upang palitan ng mas “modernong” sasakyang pampasada. Sinimulan ng dating rehimeng Aquino sa Public Utility Jeepney Modernization Program ng Department of Transportation and Communication (DOTC), nais itong ilusot sa emergency powers ni Presidente Duterte na kasalukuyang ipinapanukala.

George San Mateo ng Piston: Pinagkakaisa ang mga tsuper at operator laban sa jeepney phaseout ng gobyerno. <b>Mayday Multimedia</b>

George San Mateo ng Piston: Pinagkakaisa ang mga tsuper at operator laban sa jeepney phaseout ng gobyerno. Mayday Multimedia

Biyaheng negosyo

Sinasabi ng DOTC na layunin nito na tiyakin ang road worthiness ng mga dyip at pagtugon sa pangangalaga sa kapaligiran dahil sa climate change.

Pero sa pagsusuri ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), lumalabas na malaking negosyo ito. At mabibiktima nito ang mga drayber at opereytor ng mahigit 400,000 dyip sa Pilipinas.

“Ang isang bagong dyip na sinasabi ng gobyerno ay naglalaro sa halagang P1.2- Milyon hanggang P1.6-M. Kung papalitan ang 400,000 dyip, ilang bilyong piso ang aabuting halaga nito? Sinu-sino ang kikita dito? Ang mga supplier, bangko, korap na mga nasa gobyerno,” ani George San Mateo, tagapangulo ng Piston.

Hindi katulad ng mga taxi, UV Express, at mga bus, hindi ginawa ang mga dyip sa mga pabrika, ina-assemble lang ang mga ito sa mga talyer. Kaya naman isa ito sa nakikita ng Piston kung bakit nais palitan ang mga dyip para pagkakitaan ng mga korporasyon.

Kung road worthiness lang ang pag-uusapan, maaari namang pagandahin ang mga dyip na kailangang ayusin at hindi lahat ng dyip ay kailangan palitan ng bago, dagdag ni San Mateo. “Kung tutuusin, sa sinasabi nilang road worthiness at environment concerns, puwedeng puwede ang rehabilitation imbes palitan ng bago ang mga dyip. Basta may government subsidy.”

Pigang-piga na ang sektor ng transportasyon partikular ang mga dyip sa iba’t ibang buwis. Magmula sa buwis sa langis, road users tax, franchise tax, at iba pa, “anong masama kung mag-subsidize naman? Hindi naman lahat may problema.”

Tinatayang aabot lamang umano sa 50,000 hanggang 100,000 ang mga dyip na kailangan i-rehabilitate.

Neoliberal na atake

Maliban sa pagkakitaan sa pagpapalit sa mga dyip, mas nais umanong gawing monopolyo ang operasyon ng transportasyon sa Pilipinas ng iilan partikular ang mga dyip.

“Tingin nila, hindi namamaksimisa ang tubo sa dyip kapag maliliit na operators ang nagmamay-ari. Kaya nais nila itong ipasok sa fleet management,” ani San Mateo.

Sa fleet management, magiging sentralisado ang operasyon. Malaking banta ito, dahil gagawin na lang nilang manggagawa ang mga drayber: Ipapasok sila sa sistemang kontraktuwal. Kapag nahuli ng pasok, kaltas sa sahod. Mas makapagdidikta rin umano ng mas mataas na pamasahe ang mga ito. Tiyak, tatamaan ang mga pasahero.

Sa pag-phase out ng mga dyip, hindi lamang umano lumang dyip ang pinapalitan, kundi yung katangian ng industriya. Wawalisin nito ang maliliit na operator, at kapag nawalis ang mga operator na ito at napalitan ng mga korporasyon, mawawalis na rin ang mga asosasyon.

“Parang union-busting din ang gagawin dahil matatanggal din ang mga asosasyon ng mga dyip. Hindi na poproblemahin ng gobyerno kapag makikipaglaban ang mga drayber sa taas-presyo ng langis. Isang paraan ito para mapigilan pagkilos ng mga drayber,” pagtatapos ni San Mateo.


 

Viewing all 56 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>